Sabado, Hulyo 26, 2008

Fundraising: Welcome Arc Morong-Teresa border


Republic of the Philippines
Province of Rizal
Municipality of Morong
Barangay San Guillermo
Office of The Barangay Captain



To: All my Kababayan Abroad

From: Eliseo S. San Jose
Barangay Captain
San Guillermo Morong, Rizal

Date: December 26, 2008


Sir/Madam:

Greetings:

Our town is in need of another welcome arch in the boundary of Teresa and Morong, it will be located in Sitio Estacion, San Guillermo, to serve the main entrance to our town.

With the matter, In behalf of the Sanguniang Barangay of San Guillermo, I'm appealing to your good heart to help MORONG BALIKBAYAN ASSOCIATION by spearheading the said project or by any assistance that you can extend to them.

I will assure you also that this project will be properly implemented with their supervision.

Again, with all your support to our beloved town, a million thanks.


Signed.
ELISEO S. SAN JOSE


-----------
From RSG: Please contact your nearest Morong Balikbayan Association (MBA) officer to contribute. Salamat po.

Biyernes, Hulyo 11, 2008

Hello..hello, may dial tone ba?

Daing ng Bayan
Usapan sa San Guillermo Mailing List

Mr. Konsehal Dickson,
Me hiling lang me tungkol sa mga cable na nawawala sa ating lugar gaya ng telepono alam kong matagal na itong problema at hindi lang sa nawawala kundi sagabal sa mga taga ibang bansa o maski lokal na tawag lalo na kung gustong malaman ang nangyayari o anung mang emergency sa ating lugar pero hindi makatawag at putol ang linya, sa ma tutal ang kagustuhan ko lang mangyari ay paano natin malulutas ito at bakit ito nakakalusot.
Sana ay pagtuunang pansin ng kapitan o sino man nakatalaga sa ating lugar....Salamat sa lahat.....

junjun millare

Maraming salamat katotong Jonathan, yep agree ako sa sinabi mo tungkol sa problemang iyan. Sana magkaroon ng mabilis na solusyon ang usaping ito. Gumagalang at bumabati sa inyong lahat.

Janet GD

SAGOT

ISANG PAGBABALITA AT PAGPAPALIWANAG UKOL SA PAGKASIRA NG KOMUNIKASYON SA CABLE, TELEPONO AT INTERNET DAHIL SA PAGKAWALA NITO


-Nais ko pong ipaalam na talagang malaking problema po ito sa ating lugar at maging sa ibang karatig bayan dahil sa abot po ng aking kaalaman ay ninanakaw ang kable nito na kung saan po ay nawawala ng bigla-bigla na lamang.

- Kailan lang nga po yung telepono natin na DIGITEL sa ating barangay ay nawala ang komunikasyon dahil nanakaw po na naman ang kable maging cable at PLDT , ngunit madalian din naman pong naibabalik upang hindi mabalam ang komunikasyon at gamit nito.

- Kung hindi man sa atin po mawala ay sa kalapit barangay naman o kalapit bayan kaya't apektado din po tayo.

-Sa katunayan ay 24 hours na po nakabantay ang kapulisan, mga barangay at ibang mga bantay sa ating bayan upang mapangalagaan po ito at patuloy po ang ating pamahalaang bayan at mga pamahalaang barangay sa pagmomonitor ng mga pangyayari upang maiwasan na po ito.

- Kailan lang nga po ay nagkanakawan din ng mga cable at phone wire sa ZIGZAG sa antipolo na kung saan po ay naging malaki din po ang epekto sa atin kaya't talagang patuloy ang pagmomonitor po dito.

-Ipagpaumanhin po ninyo at asahan na isasaayos na mabuti ang lahat sa mga sumusunod na araw.

-Kapag may gusto po kayong ipaalam ,malaman o makibalita po eh itawag po ninyo sa akin sa teleponong 0915xxxxxxxxx.

Maraming salamat po
Konsehal Dickson San Juan

MULA SA RADYO SAN GUILMO:
Sinubukan pong tawagan ng RSG ang teleponong ibinigay ng Konsehal, ngunit hindi po maka konecta. Ninakaw rin po pala ang kable ng telepono ng ating mahal na konsehal :)

Mensahe buhat sa Konsehal

From San Guillermo Mailing List

Sa Aking Mag Minamahal sa Ibayong Dagat

Maikling mensahe mula kay KONSEHAL DICKSON ANDAYA-SAN JUAN

July 9, 2008
Tunay na hindi matatawaran ang inyong pagsusumikap para sa ating mahal na bansa, bayan at komunidad. Maitututring ko kayong mga bayani na sa kabila na malayo sa bansang sinilangan ay patuloy sa pakikibaka, pagsusumikap at hindi sumusuko sa hamon ng panahon upang matamo ang minimithing tagumpay. I SALUTE YOU MY DEAR MEN AND WOMEN.

Hindi matatawaran talaga ang magandang pagsasamahan na parang magkakapatid kahit dito sa pinas at maging sa ibang bansa. Yan ang Pinoy , lalo na ang taga-MORONG, RIZAL. Naalala ko tuloy ang sabi ng aking kaibigan, " ALAM MO DICKSON YANG MGA TAGA-MORONG bukod sa mabait na at malambing pa iba sila talaga pagdating sa PAKISAMA , HAHANGAAN MO TALAGA." Hindi ko makalimutan ang katagang yun dahil proud ako bilang isang Pilipino at Tubong Morongueno. Kaya kahit saan man dito sa pinas kilala agad ang mga taga-Morong. Sa lamyos at lambing magsalita talaga makikilala mo agad sila.

Salamat sa patuloy ninyong pagsusumikap para sa ating bayan upang makatulong sa pag-unlad nito. Dalangin ko ang isang matatag, maayos, ligtas at mabiyayang pamumuhay para sa inyong lahat.

Sabado, Hulyo 05, 2008

Sitio Istasyon


Here's the satellite view of Istasyon. MS Virtual Map got a better image of San Guillermo than Google Earth. At Least the cloud is over Bombongan :). Start viewing SG and Morong here

Sabado, Hunyo 21, 2008

RSG No.77 Frankly Speaking

Typhoon Frank and the Sulpicio Lines "MV Princess" Tragedy

Listen and Download
Episode 77 @ 128 kbps (broadband)

Show Notes

maririnig ninyo ang ulan/bagyo

live tayo sa bagyo, malakas ang ulan at hanging, nagkakalabugan ang bubong,
kararating lamang ng bagyo, Visayas, Southern Luzon, Metro Manila, Rizal,

naglaba at nagsampay si Matabuak, hindi alam na mag bagyo, dapat ay nakikinig ng balita,
stress signal ng barko, Sulpicio Lines, capsized, marami yatang namatay, Romblon, bakit sumalunga pa ang barko na ito ay mag bagyo, lagi ng may lumulubog, hindi convinient, sapalaran na lamang natin, pira rin ito, may mga kapit sa gobyerno ang mga operators ng transportation

walang nananagot, nakukulong sa mga tragedy, sila ang finnancers ng mga politicians, mag kukumpare, magkakaibigan, kumpare system, culture na ng Filipino, nakakadismaya, 700 feared dead, hopefully ay maraming nag survive, bakit lumalakar pa kung may rarating na typhoon, greedy ang mga operators, banat, sige, pami pamilya,

ang tanung ay 700 ba lamang ang pasahero, hmmmm, malaki ang kita kung maraming sakay, marami rin ang puedeng mamatay, siksikan sa barko, laging puno, capacity ng barko ay mas marami pa over ang lamang passengers,

kawawang mga pasahero, sana kaunti lamang ang namatay, PAGASA weather prediction, nakikinig ba ang Sulpicio sa weather forecast?,

madali kaming mag blame, napag uusapan po lamang, rumungaw, kalskas ng ulan ay hagupit ng hangin, lagaslas ng tubig, live sa binabagyung Pilipinas...

Pinatugtog
Isang Fado

RSG No.76 Oh Ces: Kidnapping Reality Show

Our take on the new ABS-CBN reality show. The Kidnapping of Ces Drilon. Poor mayor Isnaji, nasama sa pakulo ng ABS.

Download and Listen
Episode 76 @ 128 kbps (ang tunay na "reality" show)

Show Notes
bang rami abah... pakinggan po ninyo, baka ma sue kami :)

anung say mo kay Mayor Isnaji, Kidnapping?, naguguluhan si Batang salog, parang set-up ng ABS, nakilahok ang Abu Sayaff at ang Indanan mayor, pakulo ng ABS, kung walang news ay gumawa tayo ng balita, soap opera, ang uso ngayon ay reality shows, Pinoy Big Brothers

Parte lamang ito ng ABS reality show, may iyakan, may military, black out news, Legarda to the rescue, happy ending, oh hindi pa tapos, may e blame naman ang military, si Ces at ABS ay na sue ang military, press freedom, parang kasabwat si Ces sa Makati coup (Trillanes).

napakandang production, mukhang walang alam ang mayor ay siyang na i blame ng military, bakit si Ces ang naipadala sa Sulu para mag report, siya ay news presenter, bakit naging investigative reporter?, bumababa ang ratings, kailangan magpadala ang sikat ng konti, we don't know....

sinung tangaang mag i interview ng bandits, rinurukot na mga turista, kidnapping sa Malaysia,
kaaway ng adminstration ni GMA and ABS, bakit kailangang interviewhin ang Abu S.,

Kawawang mayor Isnaji, siyang na blame sa soap ng ABS, Sulu, Baghdad, maraming tanong, ibang politician ay gustung pumapel, kung hindi iisipin ay hindi mo makukuha ang show o kidnapping na ito, negotiator, set-up kaya ng ABS o ng Abu, military vs Ces

kung hindi totoo, dapat e fire ng ABS-CBN (listen Maria Ressa) si Ces, kung talagang mali ang ginawa niya, at sumuway, para maging credible ang ANC at ABS news ay fire ninyo si Ces, kung hindi ay tama ang hinala ni Batang Salog na reality show ito ng ABS.

divertion Meralco, billions to refund Filipino consumers, create news to divert attention, yun lamangg, haka haka sa RSG

local issues, sasusunor ba.. ang bagung kapitolyo ng Rizal at ang bagung basurahan ng Rizal, pinaglaban ba natin ang ating bayan na maging centro

Pinatugtog
Mag Shalala lala