Biyernes, Marso 14, 2008

RSG No. 68 Interview with Mayor Buenaventura

Our interview with Mayor Joseph Buenaventura regarding the controversial dumpsites.

Download our latest show
Episode 68 @ 128kbps Hi -Quality (broadband version) 42 Mb
Episode 68 @ 32 kbps L0/ Dial-up for faster download 11 Mb
Running Time 45 minutes and 34 seconds

Show Notes
PARTIAL...
allergy, pacquiao, the controversial dumpsite
the resolution, benipisyo sa bayan, magkano ba ang kikitain ng bayan,


Salitang ginamit
suwangga

Related websites
BEST
Music Played


Maari po kayung mag comment sa mga isyu rito. To avoid unsolicited criticism, as of 3/17/08, you need to register at google in order to comment on each items. Iwasan po ang personalan, constructive criticism po lamang. Salamat po - rsg.

24 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Salamat Meyor Jo2 B. Malinaw at maganda ang rating ng inyong paliwanag. You are confident in your answers and taal sa inyong puso ang mga sagot ninyo. Di naman sa sumasang-ayon ako sa lahat ng sinabi ninyo but you told the truth.
Salamat rin kay Pareng ZB ng RSG you are one cool guy to talk to the Meyor face-to-face wika nga.
Ang hindi ko lamang ma -gets- ay iyong sabi ni Meyor na rehab ng dumpsite - lupa-basura-lupa-basura-lupa at tabon ng tabon at may pipe pa para sa outlet ng methane gas na toxic.
Tanong: Eh kung mabulok na ang mga basura ay di huhupa na naman ang lupa at balik tayo sa ground zero?
At Bakit nag ka interest ang nagpapatakbo ng dumpsite na bilhin ang location na iyon? Matabuwak alam mo ba ito? Prop yata ninyo ito ah. They know something that we don't know.
Meyor JB - wala pong kulay pulitika ang issue na ito kaya maski na alam ninyo na galing ang mga issues na ito riyan sa kanto ryan ay hwag na lamang ninyong pansinin. "Silence is golden. The truth shall prevail." Kow, eh mga sourgrapes po sila.
At iyon namang mga tiga abroad - na you shoot and ask later - magtanong muna hane bago mamaril.
I am bipartisan - basta sa ika-u-unlar ng Morong.
Thank you Meyor JB at Jo2 B ng RSG.
"Gising Na Po Ako, at Nangingnig Pa"

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

OK ang interview mo kabayan at diretso rin ang sagot ni Meyor na may mga supplement pa na mga dokumento kung kailangan raw.
Hindi ko lamang mawari na sa rami ng mga agencies MMDA, IEg?, LL kung ano ano pa ay bakit hindi nila gabayan ang Morong sa issue na ito. Ano nga ba ang kanilang mutibo? Pati naman si "Y" ay bakit silent? Sa rami ng kanyang "Y" na nagkalat sa Rizal ay iyon ba namang kapirasong dumpsite hindi niya masuportahan ang Morong? Malayo pa naman ang eliksyon.
OK rin iyong unang nagcomments sa itaas - mukhang kilala ko style at hikusyon ng kanyang isip - maganda rating pero kung tutuusin ninyo ay makamandag.
Gising Na Rin Po Ako at Pupungas-pungas pa nga"

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

TGhis is a bit repetitious. Na-explained na ni Meyor sa kanayng sulat dated November 2007 na narito rin sa RSG - klik kayo pababa at may picture pa niya - naipaliwanag niya ang tungkol sa issue ng basura - hayan at narinig natin ang katutuhanan.
cno nga kayang tama? Mga manggu gulo, pulitikeros, o SGB.
Rugong Morong

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

"Silence is golden. The truth shall prevail." Kow, eh mga sourgrapes po sila.---tama ka jan pero minsan ang pananahimik ay tanda rin ng pag-sang ayon...kung sakaling mananatili tahimik ang mga taga san guilmo ang mga tao ay mag aakala na ayos lang ang mga nangyayari...sour grapes???well, what matters most ay yung mga talking points...maraming klase ng pulitiko, mga makabayang pulitiko; mga opportunist; trapo; at sumisibol na trapo..siguro nga pag ganito ang mga kumentaryo at titingnan na sourgrapes lang ito..well, mas maige pa nga na manahimik...huwag na tayong mag comment at mag kanya kanya na lang tayo...at pag lumala na ang problema tsaka na lang tayo mag react..tama ba mamang anonymous...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Mahalaga ang check and balance kaya mas maigi kung may mga nagtatanong na tao. Ang hindi malinaw ay kung nagkaruon ba ng public hearing sa mga ginagawa nila. Mukhang ang problema ay gawa ng nagdedesisyon ang munisipyo na walang konsultasyon sa mga tao. Kaya hayon kagkag sa pagpapaliwanag, samantalang dapat ang paliwanagan ay bago gumawa ng desisyon. Baligtar yata?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

tama ka riyan, hindi mo masisising nag react ang mga tawo pagwalang public forum sa problemang ito, maganda man o hindi, ikonsulta nila dapat sa bayan.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

huo nga wala kasing transparency. hindi kumo may mga dokumento kang hawak ay tama na ginagawa mo. hindi naman isyu yung pakikipagtulungan, pero kailangang nasa ayos ang pamamalakar. nakatatakot nga yung naisulat ng isa rito na silence is golden--that's exactly the reason na may problema ngayon dahil hindi yata marunong makipag-communicate sa mga tao ang mga nasa munisipyo. and communication should happen all the time and as broad as possible to reach all the contituents, hindi para lamang idepensa ang desisyong nagawa na. yun lang.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Teka muna, kami ay mga taga-abroad na nais lamang makatulong sa ating mga kababayan.Kung may issues na dapat itama ay ating harapin at pag-usapan. Puro kayo anonymous writers na ayaw ilantad ang pagkatao. Ang end point o outcome ng bagay na pinag-uusapan ay makakaapekto pa rin sa kalusugan at kagandahan ng ating bayan. Malayo man kami ay binibigyan pa rin namin ng halaga ang kapakanan ng aming mga kababayan.Ngayon kung gusto nyong makatulong, mag-kaisa tayo at mag pakilala kayo...Kami po sina Russ and Abby.
Para sa pamunuan ng Sangguniang Bayan, sana naman ay maging bukas kayo sa lahat ng inyong proyekto para sa bayan, nang ang mga mamayan ay hindi nagugulat na lamang sa mga inyong nagiging desisyon. At kapag nababatikos o natatanong kayo ay huwag ninyong isipin na kayo ay sinisiraan. Alam ba ninyo na ang mga kritiko iyan ang dapat na number one ninyong pasalamatan, kase yan ang mga nagbabantay ng mga ginagawa ninyo upang sa gayon ay nalalaman ninyo na kung tama ba o mali ang mga bagay na inyong ginagawa. Huwag sana ninyong kakalimutan na utang ninyo sa mga mamayan ang inyong inuupuan. Always remember these two words, "PUBLIC SERVANTS" .Karapatan nilang malaman kung anumang nangyayari sa kanilang bayan.Gusto po lamang naming ipaabot na, "Parang wala kayong kapaguran noong panahon na kayo ay nangangampanya at tapat na inilalahad sa bayan ang inyong plata porma at programa, gasino na ngayong ipaabot sa lahat kung ano ang "LATEST" ikanga. Bukas po kami at handang makipagtulungan kung kinakailangan.
Para sa kay Zoilo ni Matabuak (RSG Founders)salamat ng marami sa inyong serbisyo at sakripisyo para sa ating baryo. We are proud of everything you have done for everyone. MABUHAY!!!

juankatwiran ayon kay ...

"Silence is golden. The truth shall prevail." Kow, eh mga sourgrapes po sila.---tama ka jan pero minsan ang pananahimik ay tanda rin ng pag-sang ayon...kung sakaling mananatili tahimik ang mga taga san guilmo ang mga tao ay mag aakala na ayos lang ang mga nangyayari...sour grapes???well, what matters most ay yung mga talking points...maraming klase ng pulitiko, mga makabayang pulitiko; mga opportunist; trapo; at sumisibol na trapo..siguro nga pag ganito ang mga kumentaryo at titingnan na sourgrapes lang ito..well, mas maige pa nga na manahimik...huwag na tayong mag comment at mag kanya kanya na lang tayo...at pag lumala na ang problema tsaka na lang tayo mag react..tama ba mamang anonymous...

Hindi na po ako anonymous..pero nagpalit na ako ng pangalan..mahirap na, baka mabalikan ng mga taong gobyerno...hindi pa naman tumatanggap ng puna ang mga yan..sinasabi lang nila na open ang mga yan eh, pagtalikod nila e mga nagngingitngit ang mga yan///

yan ang ugaling TRAPO! at pulpol na pulitiko! pilit na pinapalunok ang mga magagandang salita pero mali naman ang mga ginagawa!!! isang kabuktutan ng pag-iisip...at dun sa mga taong kumukwestyon sa mga nasa abroad..Hoy!!! mahiya naman kayo...ang babait ninyo pag pinapadalhan kayo pero pag tinanatamaan kayo sa puna nag re react kayo ng negatibo!

buti nga at nagmamamlasakit pa sila..e kayo, me ginagawa ba kayo? ha? come on...gising na at nagmamarka na ang unan sa mukha ninyo!!! himbing na himbing kayo sa panloloko ng mga hugkag na mga taga munisipyo. hindi natin utang na lood sa kanila ang pusisyon nila sa bayan, marapat lamang na maging mababang loob sila dahil halos nanglilimos sila ng boto natin nung eleksyon...

mahirap abutin ng delubyo pag naabutan ka sa banig at pakuyakuyakoy pa na hindi mo namamalayan mga kaanak mo na pala ang napipinsala ng basurahan na yan!

ang mahirap sa Pinoy, hanggat hindi pa sila derektang apektado hindi siya kikibo...

Ang pananhimik ay tanda ng pag-sang ayon at kawalang pakiaalam..sino ka dito?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Ay bakit naman napaka balat sibuyas niyang si Mayor Jojo.Abay halatang-halata mo na ayaw ng mababatikos siya.Ang sinsabi nya ay wala pa raw na kahit anung kasunruan silang pinag pipirmahan.Ang tanung?Para saan ung Authority to enter into contract na binigay sa kanya ng SB?Saka hayaan mo na taong bayan ang magsabi kun malinis ka o ano?Hindi ung ikaw ang nagsasabi.Lalo kang nakakapag=duda ah.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Tama ka dyan!!Aba'y kutakut-takut na pagmamalinis ay alam ng tao kung anu siya.Talaga lang bopol ang mga tao sa atin mapa-inom lang okey na.Hayan ang buhay natin nag-elect tayo ng ganyang klaseng mga pinuno mag-tiis tayo!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nabasa ko po ang mga comments - at rito lamang ay mawawari na ninyo na talagang "sukol" na mga tawo sa mga nangyayari sa ating bayan.
Eh sana naman ay nababasa ng Sanguniang Bayan ang ating mga comments. H'wag na lamang "silang" mag isip ng mga maraming dahilan - "tanggaping ang katutuhanan ng mamahal sila ng bayan" - yan naman ang sagot ko raon sa "silence is golden" - baka mga "gold" na ang mga kuwan nila.
Di po biro - baka mayroon "say" iyong familia ng gobernador rito sa issue na ito.
Gising Koneksyon Po

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Kabayang Russ/Abby, tamang-tama po kayo at kung baga sa martilyo ay sapok ang ulo ng pako! Kaya lamang ay di bumaon ang pako - ganyan ang isipan ng mga trapos sa atin. Maski anong pukpok ay wala rin. They always pretend ignorance maski huling-huli na sa akto.
Di naman namin kayo kakalimutan mga tiga Morong sa ibang bansa. Kami ang naritong naiwan at siyang laging nagmamasid sa munisipyo piro ang truth po nito - di na namin kayang labanan ang munisipyo - di lamang sa tangan sila ng "Y" na gobernador kundi maliit na tawo lamang kami rito.
I blamed ourselves for electing the people we thought are sincere -NALOKO PO NA NAMAN KAMI RINI. Umuwi na kayo at tulungan ninyo kami. Wala namang magawa iyang balikbayan asosasyon na iya ah! Sori po kung membro kayo eh tutoo po naman esthetic (tama ba inglis ko) lamang ang tulong nila.
Ulilang Morong

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Nakaw yan namang ibang mga balikbayan na mga iyan pagsasayawan lamang sa Plaza alam ah.Tutulong ng kaunti halos ipagbandera na lahat ang ginawa!Puro lamang kayo kaartihan,tumulong kayo ng walang publisidad at ibigay sa talagang mga nanganga-ilangan.Gaya ngayon marami na naman rito at mag mamahal na Araw,ngayon nyo pagtatanungin ang mga narito kundi puro kayo internet internet kakaunti naman ang mayroon rito!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Mayor Jojo kung inisip ng mga nakaraang Mayor na gawin yang ginawa mo na tanggapin ang basura ng kalakhang Maynila ay hindi na aabot ng walong Mayor pa ang paglilipat ng basurahan.Ang sa tingin ko ang dapat na ginawa mo ay ilipat lang ang basurahan sa lupang pag-aari ng munisipyo at di dapat na inisip na pagkakitaan pa ito.At ruon sa sinasabi mong nakuryente ang nag-labas ng record,paanung nakuryente ay wala namang ibang binago ruon ah,nailabas lang ang kopya ng authority to enter into contract resolution ng SB.Anung ibig sabihin nito?Abay mas lalong lumabo ang isyu sa paliwanag mo ah.Ang sinabi mo ay puro buhat bangko lang.Anung naitama mo lahat?napaka galing mo namang masyado eh di maintindihan kung anu mga ipinapaliwanag mo.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Ang akala yata ng Mayor na ito ang kausap niya ay ang mga tuta nya sa Munisipyo at puro pagbubuhat bangko lang ang mga sinabi.Hindi lahat ng pumupuna sa iyo ay kalaban mo o kritiko mo,Ang lagay ay nagmamalasakit lang.Anung sakripisyo ang sinasabi mo sa apat na taon mong panunungkulan.Com'on.Sanay sa walang pera ay Gold Digger ka ngang naturingan.Ayaw ko nga bang mag comment kaso napa-kinggan ko interview mo di ko mapigilan ang sarili ko.Ang gusto yata nitong mayor na ito wala ng pupuna sa kanya!

Unknown ayon kay ...

Ay bakit ba laging sinasabi ni meyor na noon pa raw na nakarang meyor ang problema na ito. Forget the past man. Pinag-abutan ka - magpaliwanag ka ng husto at di pautal-utal. Mukhang insayado ang mga sagot mo sa podcast ah.
Di maganda rating na sinabi mong "nanginginig pa" - parang biro-biro lamang itong issue na ito sa iyo.
Iyon namang pumuna sa Morong Balikbayan Ass(ociation) - hindi po kami kasali roon - kami po ay Morong Bayan rini sa LA.
Wala po kaming pakialam sa mini gloryita na R&R ng mga piriso sa atin, welcome arko, sino naman ang we-walkaming 'nyo?, bakit walang arko sa may SG?, nakaporma pa kayo sa opening site ng basura. Ngayong may issue na mga nangawala kayo at iniwan si meyor, baka maramay kasi kayong mga di kuno 2mu2long sa munisipyo - pweeeee!
"Malditang MBla po"

Unknown ayon kay ...

Mang ZB,
Binabasa ko pong lahat ang mga komentaryo at ang habi po ay parang character assasination ang nangyayari at nakakaliwa sa ibang usapan, i.e., MBA, etc., anong koneksyon ng mga iyon eh sa bawat function mapa social, pulirika, cutting ng ribbon ng mga "Y" projects ay naka-ung-ung ang mga mukha nila?
Salamat at may registration para talagang malaman natin kung tunay ang mga salita ng ibang mga "unk" na nag-iiwan ng puna. Although "puna" is not the right word. Para maganda sa tenga ay "Mag-iwan ng inyong komentaryo". Suhesyon lamang po ito.
Taga basa po lamang ako sa ngayon at aking winawari talaga ang puno't dulo nitong issue na ito. Eh nabasa ko sa RSG eh noong Nobyembere 2007 pa pala ito?
Iwasan lamang po ang mga salitang masasakit sa kapwa tao maski na sila ay talamak na sa kasamaan - sabagay di na sla tatablan.
Mahal Na araw pa naman rini sa atin. Maaari bang kool muna tayo?
Tama iyong nagsabing nariyan na ang mga balikbayan - mamahal na naman ang ayungin!
Gumagalang po, SG

parola ayon kay ...

PARA SA KAALAMAN NG LAHAT KAHAPON PO AY NAG KAROON NG PAG HAHARAP ANG SANGGUNIAANG BAYAN NG TERESA, MORONG at LLDA (nakakalungkot mang isipin pero walang representative ang Gov ng Rizal dahil busy sa America)

sana poy nasaksihan ninyo kung paano hindi maidepensa ng inyong mayor ang mga isyu tungkol sa Resolusyon.

hinihiling ko po na sana ay makuhanan niyo kami ng interview dito sa teresa.. ang aming sangguniang bayan o kahit po ang aming parish priest priest ay pwedeng mag pahayag kung ano ang aming pinag lalaban at para na rin po malinawan ang mga taga Mrong na madaling maniwala sa sinasabi ng inyong Mayor...

puntahan po ninyo ang site (yun pong nasa san guilmo at may malaking tarpullin na nakalagay na ang pangalan ni Chairman bayani fernando,gov. Ynares at mayor Jojo para sa landfill... baka nga po mabigla na lang tayong lahat na may MOA o Joint Venture ang Capitolyo tungkol rito.

Russ and Abby ayon kay ...

Para po sa ating mga kababayan, ang aming pong ipino-promote at inihihingi ng suggestions ay para po mabigyan ng linaw at solusyon ang nasabing issue riyan. Iwasan po nating makasakit ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng hindi magagandang komentaryo. Mas marami raw pong nawawalis ang mga tingting na nasa iisang bigkis.

Para kay Batang "Nakaw", infairness naman sa ating mga balikbayan na nagtatrabahong halos anim na raw sa isang linggo, kaligayan na nilang umuwi at magsaya sa ating bayan kasama ang kanilang mga kaibigan, kaya huwag na po nating silipin kung mahilig silang magkandida.

Para naman kay Parola, maraming salamat sa updates mo. Isa kami sa mga taga-Morong na bumabalanse at pilit umuunawa sa mga sinabi ni Mayor Jojo. Sa tono ng mga sinabi mo ay parang wala talagang konsultasyong naganap sa pagitan ng mga mamayan at Sangguniang Bayan ng Morong bago makaroon ng desisyon at pirmahan.

Kung nais ninyong magkaroon ng pagkakataon na mapanayam ng Radyo Sanguilmo upang ilabas ang inyong mga saloobin ay isulat ninyo kung saan
(phone number and e-mail address) at kailan.

Magtulungan po tayo para sa ikabubuti ng ating mga bayan.

Russ and Abby

morong_nightowl ayon kay ...

KOMENTO LANG PO SA PANAYAM KAY MAYOR JOJO�

Hindi nakuryente ang kumuha ng Resolution No. 9, s. 2008 ng SB ng Morong. Legitimate ang issue nito. Sa pagmamalasakit niya sa mga taga-Morong at Teresa na maaapektuhan ng Morong Landfill na nasa May-ugat/Malalim, minabuti niya na tutulan ang pagbibigay ng authority kay Mayor Jojo Buenaventura na makipag-MOA sa MMDA para pagtapunan ang Morong Landfill ng Metro Manila garbage. Ito naman talaga ang sentiments ng mga taga-Morong at taga-Teresa, ayaw nila ng Metro Manila garbage sa Morong Landfill. Para sa mga taga-Morong, kung Morong garbage lang � OK. Pero kung Metro Manila garbage � NO WAY. Tutol sila.

Tungkol naman sa Taghangin Dumpsite, noon ang nakakaratula ay � �Closure and Rehabilitation� ngayon � �Rehabilitation and Closure� na. Marahil pinalitan ito ni Mayor dahil sa sinabi niya na after two (2) months isasara na ang Taghangin Dumpsite at bubuksan na ang Morong Landfill na nasa May-ugat/Malalim.

Ang mga tanong na dapat munang sagutin ni Mayor at ng IPM tungkol sa Taghangin Dumpsite ay ang mga sumusunod:

1. Sino na ngayon ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng Taghangin Dumpsite na pinare-rehabilitate � ang IPM ba o ang Urbina Family pa?
2. Talaga bang pagkatapos ng 2 buwan ay isasara na ang Taghangin Dumpsite? Baka naman hindi dahil gagawin ito ng IPM na lugar ng Material Recovery Facility (MRF) na dapat ay nasa Butig Bombongan na nagkakahalaga ng Piltong Milyong Piso (Php7,000,000.00) na inutang ng pamahalaang bayan ng Morong sa LISCOP-LLDA, sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Buenaventura. This MRF is different from the Morong Landfill. The MRF is owned by the LGU of Morong to be located at Butig Bombongan while the Morong Landfill is owned by the IPM located at May-ugat/Malalim.
3. Wala pang MOA with MMDA - ito ang sabi ni Mayor Buenaventura subalit bakit ang IPM ay nagdadala na ng basura galling sa Pasig at Metro Manila? Ang mga basurang ito ay inihahalo sa lupa. Ito ay sang-ayon na rin kay Mayor Buenaventura. This is done in the name of rehabilitation of the Taghangin dumpsite.

4. Bumabayad ba ang Pasig/MMDA sa paggamit ng Taghangin Dumpsite? Malamang na bumabayar. So, pinagkakakitaan ng IPM ang Taghangin Dumpsite habang nagre-rehabilitate.

5. Sino ang magmamay-ari ng Taghangin Dumpsite after 2 months or after rehabilitation? IPM ba o Urbina Family?

Balik tayo sa Morong Landfill � huwag na nating hintayin pa na pumasok si Mayor Buenaventura sa isang MOA with MMDA Chairman Bayani Fernando na gamitin ang Morong Landfill para sa Metro Manila garbage. Sa pag-question natin ng Resolution No. 9, s. 2008 na hindi pinag-aralan ng SB ng Morong at ng Mayor and epekto nito at walang public consultation sa mga taga-Morong, marahil mapipigilan natin ang pagkakaroon ng MOA. At kung ito naman ay naisagawa na ni Mayor Buenaventura with MMDA, let us rally our SB members not to approve the MOA as presented by the Mayor.

KILOS NA BAYAN!

Zoilo Bernardo ayon kay ...

Hello po sa inyo. Mayruon pong bagung gawang forum para sa taga Morong. (bali ister board fo ng RSG). Mas mabuti po na ruon tayo mag discussion tungkol sa problema ng bayan. Mas madali pong mag reply ruon hindi gaaya rito sa comment section ng radyo san guilmo. Siyempre po ay welcome rin kayung mag post rito. Kung may ruon po kayung suggestion ay email lamang ang rsg.

Zoilo Bernardo ayon kay ...

eto ang link: http://morongtambayan.freeforums.org/

Morong Tambayan (interactive community).

Unknown ayon kay ...

RSG, off muna at babasa kami ng pasyon. Marami na palang postings. Iyon namang tungkol sa balikbayan association ay binago na ang kanilang tawag sa candidahan -"community Dance" na raw - baka gawa noong may bumatikos eh nagbago kaagar ng maka rekrut na naman ng kakampi.
Nalili2 me at klik ng klik yao't ito sa tambayan at RSG ay same thing pala.
MBla