Lunes, Marso 10, 2008

Got garbage? Bring it to our NEW state of the art landfill

Now open for business to Metro Manila cities & towns. We also extend the hours for your convinience (talk to us first...)

Gising Morong
by Bayani Kho morong_gising@yahoo.com

photo from Hoy Gising Morong & Images of Morong by Supladang Moronguena

Gising Morong!!! Niloko na naman tayo ni Mayor Jojo Buenaventura... bago mag eleksyon noong 2007 nangako ang ating Mayor sa Plaza na hindi nya papayagang ituloy ang SAVE MORE Supermarket alang alang sa ating mga maliliit na kababayang nag hahanap buhay sa palengke at sa ating bayan. Naniwala ang marami at pinanghawakan natin ang pangakong ito. Ngunit pagkahalal nya ay ipinag patuloy ang construction nito at ngayon nga ay bukas na.

Ngayon niloloko na naman tayo.... REHABILITATION AND CLOSURE yan ang naka bandera at nakalagay sa ating dumpsite sa Taghangin. Napaka gandang basahin pero itoy isang kasinungalingan... dalawin ninyo at pasyalan ang lugar na ito punong puno ng basura sa dulo at ang ibang bahagi ay itinatago sa bunton ng lupa. May mga track ng basura na madalas mag yaot ito sa lugar, ito ay galing sa Metro Manila. Opo ang BASURA ng Metro Manila at ang ibang bayan sa Rizal tulad ng Teresa, Cardona at Baras.

Hwag po tayong pumayag... tigilan na ng Mayor at ng Sangguniang Bayan ang pag babuy at pag lapas tangan sa ating kalikasan. Sana namay naisaalang alang ng mga nanunungkulan ang kalinisan ng ating kapaligiran. Talaga po bang wala ng iniisip ang mga nag lilingkod sa ating bayan kundi pansariling kapakanan lamang. Paano po ang kalusugan ng mamamayan natin, ang mag aaral sa TCMC na rumaraan sa Taghangin. Ang basurahan po bang iyan ay may sapat na kanal na kung saan ang mga katas ng basura ay hindi didiretso sa ating mga palayan at ilog na kung saaan ang ating mga magsasaka at mangingisda ay umaasa ng ikinabubuhay. Pinag aralan po ba iyan at may tamang permit sa ibat -ibang sangay ng ating Pamahalaan Nasyonal.

Para po sa kaalaman ninyong lahat kalakip po dito ang Resolution No. 9 Series of 2008 na pinapayagan ng SB si Mayor Jojo Buenaventura na pumasok sa kasunduan kay MMDA Chairman Bayani Fernando na gamitin ang Morong Engineered Sanitary Landfill Facility na nasa Mag-ugat at Taghangin Maybangkal para pagtapunan ng basura ng Metro Manila.

GUMISING TAYO AT MAGSAMASAMA... tutulan natin ang proyektong ito. Huwag na tayong mag paloko at pagamit sa mga taong dapat sana ay nangunguna sa proteksyan ng mamayan at bayan. Hwag nating payagang sirain ng mga nanunungkulan ang natitirang yaman ng BAYANG MORONG....

Morong Official Website

8 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Read the letter sent by the mayor last November 12, 2007 (and posted at RSG Nov 13) concerning the dumpsite. Scroll down...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

nabasa ko na ang letter ni mayor last Nov 12, 2007 (and posted at RSG Nov 13) concerning the dumpsite.

di bat mas lalo tayong mag kaisa na tutulan ang resolusyon na No.9 (AUTHORIZING HON. MAYOR BUENAVENTURA TO ENTER INTO A MEMORANDUM WITH CHAIRMAN BAYANI FERNANDO FOR THE USE OF MORONG SANITARY LANDFILL FACILITY) ...

dahil ang sulat nya sa atin ay isang kasinungalingan o talaga lang pinaasa nya tayo tulad ng nangyari sa save More

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ang hindi maganda rito ay bakit papasukin pa ang ibang bayan at gamitin ang facility

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

mukhang may publicist ang mayor, governor ah... read this article from Philippien Star:::


The best blessing in 40 years
OH YES, IT’S JOHNNY By Johnny Litton
Saturday, February 23, 2008

Amost amazing change recently happened in Morong, Rizal when the IPM Group of Companies headed by its charming and hardworking president Isabelita Paredes Mercado through its member company Basic Environmental Systems and Technologies, Inc. (BEST) represented by SVP Atty. Dwight Ramos did a double heart-warming gesture to its constituents in one historical day. It started off with the closure of its open dumpsite after 40 years of being an environmental hazard, and shortly afterwards, the historical groundbreaking ceremony involving the immediate construction of an Engineered Sanitary Landfill Facility (MESLF). The momentous occasion was graced by Rizal Governor Casimiro “Junjun” Ynares III and hosted by the municipality of Morong led by Mayor Joseph “Jojo” Buenaventura. To become a major bustling city in the near future is now very much a strong possibility for the municipality of Morong.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

An up and copming rich city rises from the stench of the basura from other cities - what a great slogan for the town of Morong.
And check this out - there will be no more magpapalimos, homeless, and maybe drug addicts, kasi they will be busy scrounging for "wealth" from the new dupsite. What with cities all over eastern Rizal dumping their basura - more things to find adn keep and voila! May bagong iskwater site na naman na future voters ng the same kandidatos we have now.
"From dust2dust2ourpockets a new garbage town arises!"

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

tsk tsk tsk. we're talking about multi million peso project here.. hindi basta basta ang mag pagawa ng ganitung proyekto, international companies and involve..

parang ZTE yata ito ... broadbasura

Zoilo Bernardo ayon kay ...

morong tambayan: http://morongtambayan.freeforums.org/
interactive community

maniniste ayon kay ...

ay okey lamang nman ang iyong malasakit sa maliliit nating mga mamumuhunan sa palengke at iba pang maliit na tinrahan rito sa atin s morong.

ANG HINDI KO LAMANG MAINTINDIHAN SA IYO ay kung bkit ayaw mo na ang isang istablisimyento tulad ng SAVEMORE ay maitayo rito sa bayan natin. AYAW MO B NG PAG_UNLAD???
palawakin natin ang mga isip natin pagdating sa isyu ng paglago at pagsulong.

kung ayw mo ng savemore..kami ay gus2 namin dahil malaking ginhawa rin ito hindi lang sa iilan kundi sa mayorya ng ating mga kababayan. sigurado ako,,bka isa ang pamilya mo sa bumibili ruon.

gus2 ko ang pagpapakita mo ng malasakit sa ilan nating kababayan pero wag nating pigilan ang paglago. hindi ka ba natutuwa na maraming kababayan nating ang nabibigyan ng trabaho ruon??

nkakalungkot n paminsan ay nag-organisa pa ng rally sa plaza ang mga taga-morong pra pigilan ang pagtatayo nito.. NAKAHIHIYA..pra tayong mga wlang pinag-aralan..ipakita nman ntin sa mga karatig-bayan ntin na niyayakap natin ang ideya ng pagbabago..ng PAG-UNLAD at hindi ang pananatili sa wlang kwenta at hindi umusar-usar na takbo ng buhay sa morong.