Linggo, Marso 30, 2008

Fr Rene's Message to SG Fiesta USA (S. Cal)

Diocese of Antipolo
San Isidro Labrador Parish
(BomPrinSanguil-TaCarYaDon)
San Guillermo, Morong 1960 Rizal


M E N S A H E

Sa pagkakataon ng taunang pagdiriwang na ating mahal na patron si San Isidro Labrador na rito sa ating Parokya ng Simbahan sa San Guillermo ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo, ang aking mainit na pagbati sa inyong lahat mga kababayan na nariyan sa Estados Unidos ng America at lalo na sa mga taga-Los Angeles, California kung saan idaraos ang kapiyestahan nitong taong 2008.

Nawa'y ang patuloy na paglago ng ating pananampalataya at pagbigay saksi nito sa lahat lalo nitong ating panahon ay sa Espiritung Banal na pumukaw kay San Isidro sa pag-alay sa kanyang sarili sa Diyos and siya rin nawang mag-akay sa atin.

Nawa'y matagumpay ay magbunga ng lalo pang pagkakaisa, pakipag-ugnayan at pakipagtulungan ng lahat. Sa lahat ng bumubuo ng San Guillermo Association USA, Southern California Chapter ang aking pagtaas ng kamay na nagbabasbas kasama ang mga kapatir nating narine sa buong lawak ng Parokya lalo na ang Parish Pastoral Council, ang WESTYVFla parish ministries.

Ang aking mapagdalanging pasasalamat sa inyong patuloy na pagtulong at suporta sa ating Parokya. Kasama ang aking kapatid sa aking familia religiosa na siyang aking katuwang na pari, p. Honesto EboƱa, csjbp;

Maligayang Pagdiriwang ng Kapistahan ni San Isidro Labrador sa inyong lahat!


Inyong kapatid at pastol ng Parokya,
reb. p. Rene Silgas, csjbp

1 komento:

nestor ayon kay ...

diocesan nba c fr.silgas dba nsa congregation cia ng st.john the baptis sa virac catanduanes