Magandang araw po. Gusto ko lang malaman ang panig ng mga kababayan natin sa San Guilmo kung may batas ba na nagbabawal na magbilar ng palay sa daan. Nangyari sa amin ito na pinatawag kami ng Baranggay dahil may reklamo sa amin at sa iba pa naming kapitbahay dahil sa pagbibilar ng palay samantalang isa ito sa ikinabubuhay sa ating Baranggay. Bakit kailangang bigyan ng atensyon ni kapitan Eliseo San Jose ito samantalang isa sya sa mga nagpapabilad ng palay sa kalsada. Dahil ba ang nagrereklamo ay isa sa mga tagapayo nya. Hingin ko lang po ang payo nyo. Kawawa naman ang mga kababayan natin at wala naman atang resolusyon sa pagbabawal na ito. Kung bawal man ay dapat mag provide ang Baranngay ng lugar na pwedeng gawing bilaran. Payo lang po.
Anung pong komento ninyo rito?
UPDATE: Photo from Philippine Star 4/2/08
"Bilaran" on the street is not unique to san Guilmo, look at this image from Camarines Sur, taken by Edd Gumban of Philippine Star:
A farmer spreads palay for drying on a basketball court in
2 komento:
Ha? abah ay nakagawian lamang nating magbilar sa karsada at gawa ng maginhawa. nariyan lamang sa harap ng bahay ay karsada na.
maling pag bilaran ng palay ang kahit na anung karsada ng baryo o bayan. hindi lang mapigilan. pero maige narin at tinitingnan na ni kapitan iyan. ang hirap pa ay hinaharangan pa ng bato ang mga binilar para hindi maraanan ng sasakyan pero maraming na aaksidente riyan.
Ang pagbibilar sa karsada ay hindi masama kung ang magbibilar ay alam na hindi sya dapat maglagay ng kahit na anong halang sa kanyang palay. Meaning, matapakan o masagasaan ay nakalaan siya. Ang karsada ay public property at ang pagbibilar ng palay ay pansariling pangangailangan. Bakit ang baranggay ang kinakailangang mag provide ng pagbibilaran, samantalang pansarili namang gamit ang palay? Ang paglalagay ng halang na kahoy o bato sa kalapit ng palay na ibinibilar lalo nat ito ay nasa karsada nakalagay, ay bawal dahil ito ay nagiging cause ng maraming aksidente. Kapag naman naruruon na ay pahirapan ang pananagot sa kung sino ang may kasalanan at kailangang magbayar ng danyos. Hindi ako taga San Guilmo pero malapit lamang kami sa may Bombongan at sa aking sariling opinyon ay tayong mga mamamayan na ang responsable sa paghahanap ng tamang lugar na ating pagbibilaran. Unang dapat na isinasa alang-alang ay ang kaligtasan ng mga motorista at kababayang rumaraan sa karsada. Balewala kung nakapagbilar nga tayo at nakatuyo ng palay ay naging sanhi naman tayo ng aksidente. Isaisip na sa ano man pong ating gagawin ay hindi lamang ang ating pansariling kapakanan ang ating laging titingnan at bibigyan ng katuwiran. Isa alang-alang po natin palagi ang kaligtasan at kapakanan ng higit na mas nakararami. Tingnan po natin ang lahat sa positibong larawan at huwag nating personalin ang ano mang kautusang ating kailngang sunrin.Ang karsada ay ginawa para raanan at lakaran. Huwag po nating gawing bilaran ng ating mga palay dahil hindi ito ang purpose nito.
Mag-post ng isang Komento