SA AKING MGA KABARANGAY NA TAGA-MORONG AT SAN GUILLERMO SA PILIPINAS AT SA IBANG BANSA :
ISANG MAPAGPALANG ARAW PO SA INYONG LAHAT.
LET ME COMMENT ON THE ISSUES RAISED BY A GENTLEMAN FROM SAN GUILLERMO WHICH GAVE HIS BASELESS OPINION AND MEASURED MY CAPABILITY AND POSITION ABOUT ENVIRONMENTAL ISSUES THAT WAS POSTED AND EMAILED AROUND THE GLOBE.
I CAN PERSONALLY SAY THAT HE IS WRONG IN HIS ALLEDGED ACCUSSATIONS AGAINST ME AND THE OTHER COUNCILOR FROM OUR BARANGAY WHICH I OPPOSED IN A STRONG TERMS AND I WANT TO EXPLAIN MY SIDE ABOUT HIS OPINION.
SINO BA ANG INIHALAL NG BAYAN NA MAGPAPAHAMAK SA KANYANG MAMAMAYAN? WAG NAMAN SANANG TAWARAN ANG AMING KAKAYAHAN TUNGKOL SA AMING MAKAKAYANANG GAWIN UPANG MAKATULONG SA PROBLEMANG NARARANASAN NG ATING SINISINTANG BAYAN.
LAHAT TAYO AY NANGANGARAP NA BIGYAN NG SOLUSYON ANG PROBLEMA SA KAPALIGIRAN HIGIT SA LAHAT ANG PROLEMA SA BASURA. SA KASALUKUYAN PINAGSISIKAPAN NG KASALUKUYANG PAMUNUAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG MORONG ANG PROBLEMANG ITO NA SIGURO NAMAN PO AY BATID NINYO.
TUNGKOL PO SA PAGBIBIGAY NG SANGGUNIANG BAYAN NG KAPANGYARIHAN SA PUNONG BAYAN NA MAKIPAG-UGNAYAN SA MMDA.. WALA NAMAN PO ITONG MALISYA DAHIL HINDI PA NAMAN PO NITO NAISASAPINAL ANG MGA KONDISYONES NA LALAMANIN NG MEMORANDUM OF AGREEMENT KUNG SAKALING MAGKAKAROON MAN PO. WALA PA PONG USAPAN NA NAGAGANAP O WALA PA DIN PONG MEMORANDUM OF AGREEMENT NA PINIPIRMAHAN. AT ANUMAN MAN PONG MEMORANDUM OF AGREEMENT NA PAPASUKIN NG ATING BAYAN AY DADAAN PA PO ITO SA KONSULTASYON AT MALALIM NA PAG-AARAL NG SANGGUNIANG BAYAN NA SISIGURADUHIN PO NAMIN NA HINDI MAKAKAAPEKTO SA KAPAKANAN NG ATING SINISINTANG BAYAN.
TUNGKOL PO SA ENGINEERED SANITARY LANDFILL. ITO PO AY HINDI PANGKARANIWANG BASURAHAN NA BASTA TAPUNAN NA LANG. ITO AY DARAAN SA MALALIM AT MALAWAK NA PROSESO NG PAGSASAAYOS NG BASURA ( INTERNATIONAL STANDARD ) NA NAPAKALAKING KAIBAHAN SA NAKAGISNAN PO NATIN NA TAPUNAN SA MAY BINUTAS.
TUNGKOL PO SA KASALUKUYANG BASURAHAN, ITO AY TULUYAN NG ISINASAAYOS AT MAKIKITA PO NATIN ANG MALAKING PAGBABAGO NA NAGAGANAP NA . SA SUSUNOD NA MGA ARAW AY PWEDE NA PO NATING TULUYANG GAWING PASYALAN. ITO PO AY TATANIMAN NG MGA GRASS SA IBABAW MATAPOS MATABUNAN NG HUSTO AT INILELEVEL DIN PO ITO SA ATING KALSADA UPANG MAIWASAN ANG ANUMANG EROSION AT AYON NA DIN PO SA NAGSASAAYOS NITO AY POSILENG GAWING LANDMARK ITO SA BAYAN NG MORONG.
SANA NAMAN PO AY KAHIT PAPAANO AY NABIGYAN KO KAYO NG ISANG KASAGUTAN SA ABOT NG AKING KAKAYAHAN UKOL SA ISYU.
SANA DIN PO WAG TAYO MASYADONG MAMUNA NG KAPWA NATIN KUNG WALA TAYONG BASEHAN AT PURO SARILING OPINYON LANG . FULL OF HEAR SAYS AT BASELESS ACUSSATIONS.
SANA DIN PO " WHEN YOU CRITICIZED , DONT PRAISED YOURSELF ." BE HUMBLE . WE ARE ALL HUMAN WITH GOOD HEARTS FOR THE PEOPLE.
INAANYAYAHAN DIN PO NAMIN KAYO NA BISITAHIN ANG MGA SITE UPANG KAYO NA PO MISMO ANG MAKAKITA DITO AT MAKAPAGBIGAY NG INYONG SARILING OBSERBASYON .
MARAMING SALAMAT PO
Kon Dickson San Juan EMAIL: skpresident_dickson@yahoo.com
DSJ-KONSEHAL2 ( MORONG, RIZAL )
from RSG : maari po kayung mag-comment sa topic dito o sa morong interactive
18 komento:
Salamat kay Konsehal San Juan sa kanyang pagpapaliwanag ng kanyang panig sa isyung basurahan. Ang nangyari yata ay kulang sa communication ang pamahalaang bayan kaya nag kakaruon ng controversy sa mga kung anu-anung issues. Ngayon ay Hindi na kaparis ng rati na puedeng manahimik ang mga namumuno. Text, internet.. worldwide na ang nagmamasid sa kanila.
Hindi itinatatwa ni Mayor Jojo Buenaventura sampu ng kanyang Sangguniang Bayan ang kanilang Resolution No. 9, s. 2008. Ang depensa lang nila ay wala pang Memorandum of Agreement sila with MMDA Chairman Bayani Fernando. Insensetibo yata ang mga namumuno ngayon sa Morong. Hindi ba nila alam na ayaw ng mga taga-Morong, here and abroad, na maging host town ang Morong ng mga basura ng Metro Manila. Para sa kanila ano man ganda ng mga terms and conditions ng MOA at ano man laki ang kikitain ng Morong sa basura ng Metro Manila, hindi sila pumapayag na maging basurahan ng Metro Manila ang Morong Landfill na nasa May-ugat/Malalim. By the way, pakitanong lamang kay Mayor Buenaventura kung bumabayar o binabayaran niya ang mga lupa na galing sa Morong Landfill (May-ugat/Malalim) na dinadala at itinatambak sa kanilang palayanan na nasa Paglabas na gamit ang mga IPM-BEST Dump Trucks na pagmamay-ari ng may-ari ng Morong Landfill. From concerned citizen of Morong.
nakakatawa ka naman konsehal hindi mo na kailangan pang intayin ang MOA.. sa simula pa lamang ay hindi ko inasahan na ganyan ang stand mo sa isyu.
ikaw pa naman dapat magtanggol at mag proteksyon sa mga kababayan mong taga san guilmo ikaw pa itong proud sa project ninyo.. sumang ayon kang himukin ng mayor ang MMDA para sa ating bayan itapon ang kanilang basura. naisip mo ba ang implekasyon sa kalusugan, sa pollusyon ng tubig at ng ating mga lupang sakahan, ang pag baba ng value o halaga ng lupa sa ating bayan ang sakit na pwedeng makuha dahil expose tayo sa ibat ibang klase ng pollusyon.
sa 8 barangay sa morong san guilmo lahat ang unang makakatikim ng hagupit na ito ng proyektong iyong sinang ayunan.
hindi mo na kailangang pagandahin ang pangalan ng tapunan ng basura(ENGINEERED SANITARY LANDFILL).. basura pa rin ang itatapon riyan at ang isuue pang malaki ay basura ng metro manila.
maraming maliliit na bayan na nasa 4th or 5ft class municipalities ang nag hahangad na umakyat at maragragan angf income nila pero hindi sa lahat ng pag kakataon ay sa basura aasa.
HINDI PO BALENG 4TH CLASS O LOW CLASS MUNICIPALITY ANG ATING BAYAN KUNG ANG KAPALIT NAMAN NITO AY ISANG MALINIS AT MALUSOG NA MAMAMAYAN.
SA AKING MGA KABARANGAY NA TAGA-SAN GUILLERMO SA PILIPINAS AT SA IBANG BANSA :
ISANG MAPAGPALANG ARAW PO SA INYONG LAHAT.
LET ME COMMENT ON THE ISSUES RAISED BY A GENTLEMAN FROM SAN GUILLERMO WHICH GAVE HIS BASELESS OPINION AND MEASURED MY CAPABILITY AND POSITION ABOUT ENVIRONMENTAL ISSUES THAT WAS POSTED AND EMAILED AROUND THE GLOBE.--
-----baseless? alin ang pa kaya ang baseless? siguro naman sa lahat nasulat dun me totoo? nag trip lang ba yung "gentleman" na yun? hindi kaya me pagkukulang kayo kaya me mga nasulat na ganun. bakit siya lang sinagot mo..marami ang nagtatanong ng parehong topic di ba? sagutin mo lahat at hindi nag si single out lang para hindi naman parang siya lang ang sa tingin mo ay nay trip lang..alalahanin mo..meron pa na mga mas nauna pa na nag react at nag sulat sa yahoo group...siya lang ba kaya mo sagutin?
I CAN PERSONALLY SAY THAT HE IS WRONG IN HIS ALLEDGED ACCUSSATIONS AGAINST ME AND THE OTHER COUNCILOR FROM OUR BARANGAY WHICH I OPPOSED IN A STRONG TERMS AND I WANT TO EXPLAIN MY SIDE ABOUT HIS OPINION.
-----alin ang mali? dapat detalyado kung alin. alin ang walang facts. e para saan ba ang resolution? di ba para sa basura din? st hindi lang basura natin...pati Metropolis.
SINO BA ANG INIHALAL NG BAYAN NA MAGPAPAHAMAK SA KANYANG MAMAMAYAN? WAG NAMAN SANANG TAWARAN ANG AMING KAKAYAHAN TUNGKOL SA AMING MAKAKAYANANG GAWIN UPANG MAKATULONG SA PROBLEMANG NARARANASAN NG ATING SINISINTANG BAYAN.
---sino ba kamo? baka dapat sinu-sino? mula sa panahon ng kastila at sa kasalukuyan for your information, huwag ka mag mistulan inosente...law student ka pa naman? kelangan pa ba isa-isahin? si aguinaldo, benenta ang pilipinas sa mga kano sa halagang isang milyong dolyar...mga nagdaang presidente tulad nina marcos, ramos, --di ba si ramos ang nag pasimula ng privitization ng mga government owned corporations at properties natin? deregulation ng oil industries, at pagbenta ng Petron? pagpirma ng mga goverment officials natin sa Letter of intent para makautang sa IMF-WB kapalit ng mga bagong tax measures tulad ng VAT at E-vat kasama sa terms and conditions...? nakatulong ba yun? iniisip ba nila epekto sa atin? where were you during those times na me mga taong tumututol dito, dahil sa pagiging pathetic ng mga Pinoy nun kaya nakapasa ang mga kalokohan na ito?--at sa ngayon ang issue ng Spratlys at koneksyon nito sa ZTE-NBN deal...inisip din ba nila magiging epekto nito sa atin? kaya sana huwag kayong magiging pusong mamon..public office is a public trust, pinasok ninyo ang pulitika, so ganyan talaga..nasa inyo na pamamaraan kung pano ninyo titingnan mas maganda constructive na approach...hindi kayo dapat mistulang reactionary...ang mga katanungan mo na iyan at halintulad din ng mga sinabi ng mga namumuno at namuno sa atin noon at sa kasalukuyan kaya tayo nasasadlak sa ganito...hindi mo man aminin, me pagkukukulang din kayo. wala kaseng konsultasyon na ginawa...kaya marami, take note MARAMI ang nangapa at nagdududa sa MOA na ito. masisisi mo ba sila? wika nga nila, kung naagapan ang apoy, usok pa lang tiningnan na at hindi na hinayaang lumaki pa.
LAHAT TAYO AY NANGANGARAP NA BIGYAN NG SOLUSYON ANG PROBLEMA SA KAPALIGIRAN HIGIT SA LAHAT ANG PROLEMA SA BASURA. SA KASALUKUYAN PINAGSISIKAPAN NG KASALUKUYANG PAMUNUAN NG PAMAHALAANG BAYAN NG MORONG ANG PROBLEMANG ITO NA SIGURO NAMAN PO AY BATID NINYO.
---e bakit kelangan pa na buksan ang pakikipagkasunduan sa mga taga MMDA? anong sisterhood na sinasabi ni Mayor? obligado ba tayo dun..wala naman na pagtatalo sa usapin ng basura..pero bakit kasama pa sila?
TUNGKOL PO SA PAGBIBIGAY NG SANGGUNIANG BAYAN NG KAPANGYARIHAN SA PUNONG BAYAN NA MAKIPAG-UGNAYAN SA MMDA.. WALA NAMAN PO ITONG MALISYA DAHIL HINDI PA NAMAN PO NITO NAISASAPINAL ANG MGA KONDISYONES NA LALAMANIN NG MEMORANDUM OF AGREEMENT KUNG SAKALING MAGKAKAROON MAN PO. WALA PA PONG USAPAN NA NAGAGANAP O WALA PA DIN PONG MEMORANDUM OF AGREEMENT NA PINIPIRMAHAN. AT ANUMAN MAN PONG MEMORANDUM OF AGREEMENT NA PAPASUKIN NG ATING BAYAN AY DADAAN PA PO ITO SA KONSULTASYON AT MALALIM NA PAG-AARAL NG SANGGUNIANG BAYAN NA SISIGURADUHIN PO NAMIN NA HINDI MAKAKAAPEKTO SA KAPAKANAN NG ATING SINISINTANG BAYAN.
---this line? RETHORICS...the mere fact na me pinagsang-ayunan na kayo na pagbubukas ng bayan ng morong sa basura ng Metropolis, di ba yan ang nilalaman ng resolution dun na rin dereksyon nyan?.
TUNGKOL PO SA ENGINEERED SANITARY LANDFILL. ITO PO AY HINDI PANGKARANIWANG BASURAHAN NA BASTA TAPUNAN NA LANG. ITO AY DARAAN SA MALALIM AT MALAWAK NA PROSESO NG PAGSASAAYOS NG BASURA ( INTERNATIONAL STANDARD ) NA NAPAKALAKING KAIBAHAN SA NAKAGISNAN PO NATIN NA TAPUNAN SA MAY BINUTAS.
---kahit pa mapaganda ang term na ginamit sa landfill, ang issue pa rin bukas ito para pagtapunan ng ibang bayan..private property nga iyon pero siempre, me investment na involve riyan..so unang iisipin riyan ng me ari ng lupa at developer ay yung ROI (return of investment)...
TUNGKOL PO SA KASALUKUYANG BASURAHAN, ITO AY TULUYAN NG ISINASAAYOS AT MAKIKITA PO NATIN ANG MALAKING PAGBABAGO NA NAGAGANAP NA . SA SUSUNOD NA MGA ARAW AY PWEDE NA PO NATING TULUYANG GAWING PASYALAN. ITO PO AY TATANIMAN NG MGA GRASS SA IBABAW MATAPOS MATABUNAN NG HUSTO AT INILELEVEL DIN PO ITO SA ATING KALSADA UPANG MAIWASAN ANG ANUMANG EROSION AT AYON NA DIN PO SA NAGSASAAYOS NITO AY POSILENG GAWING LANDMARK ITO SA BAYAN NG MORONG.
----magandang tingnan ito at sana mangyari nga.
SANA NAMAN PO AY KAHIT PAPAANO AY NABIGYAN KO KAYO NG ISANG KASAGUTAN SA ABOT NG AKING KAKAYAHAN UKOL SA ISYU.
----salamat sa sagot mo..pero, sana mas detalyado pa at masagot din yung mga katanungan tungkol sa reaksyon ng mga taga teresa an dadaanan ng basura.
SANA DIN PO WAG TAYO MASYADONG MAMUNA NG KAPWA NATIN KUNG WALA TAYONG BASEHAN AT PURO SARILING OPINYON LANG . FULL OF HEAR SAYS AT BASELESS ACUSSATIONS.
---kailan at pano ba dapat kami pupuna? dapat ba me prescriptions kung anong klase puna pwede? respect that "gentleman's" opinion..huwag balat sibuyas...once na naging balat sibuyas ang mga pulitiko.."trapo" na daw ang tawag dun. sabi nila. Mr. Law student and councilor..correction lang po..ang HEAR SAYS mo e ganito po ang spelling HEARSAYS..one word lang po..
SANA DIN PO " WHEN YOU CRITICIZED , DONT PRAISED YOURSELF ." BE HUMBLE . WE ARE ALL HUMAN WITH GOOD HEARTS FOR THE PEOPLE.
---correction, hindi lahat ng HUMAN ay me good hearts sa lahat ng PEOPLE..me panahon na vested ang nangingingibabaw..pag aralan natin mabuti ang kasaysayan..hindi lahat ng tao marunong tumingin sa pinanggalingan. kaya tayo hindi umuunlad at nasasadlak sa corruption hindi tayo marunong tumingin sa kasaysayan natin..me mga taong makapili pa rin kahit wala ng Hapon, me mga taksil pa rin tulad ng nagkanulo kina Bonifacio, Antonio Luna at Gregorio Del Pilar. baka na mis qoute mo lang naman? wala tayo sa authoritarian regime so me freedom of expression at speech tayo..not unless lataran na pinaparatangan kayo ng pagnanakaw, corruption, at iba pa.
INAANYAYAHAN DIN PO NAMIN KAYO NA BISITAHIN ANG MGA SITE UPANG KAYO NA PO MISMO ANG MAKAKITA DITO AT MAKAPAGBIGAY NG INYONG SARILING OBSERBASYON .
--kelangan namin ay forum at fliers..at sa paanong paraan at anong kadahilanan ninyo na i ju justify ang resolution na ito..hindi lang basta mag visit visit. Vigilant na ang mga taga Morong at lalo na mga taga San Guillermo...palagay ko wala namang masama roon.
NOTE: Pwede rin po ba na pakisagot ang mga comments sa RSG hinggil sa issue na ito. Dahil hindi lang isang "gentleman" lang ang me pananaw at mas matapang pa kesa sa mga sinabi niya na pinadala sa buong mundo.
Bakit ngayon lang?
correction...vested interest pala yun.
PARA SA PO SA KAALAMAN NG LAHAT:
kami po sa Sangguniang Bayan ng Teresa kasama na ang aming Mayor ay noon pang isang linggo humihingi ng appointment kay Govervor Jun Ynares para naman makuha ang kanyang panig ukol sa basurahan ng morong na raraan sa Teresa. At ipahayag din ang pag tutol sa proyektong ito. matapos ang pag papadala ng sulat at follow up sa telepono ay tila baga ang ating gobernador ay umiiwas sa sa issue at hanggang ngayon ay ayaw kaming pag bigyan.
ANO NGA KAYA ANG NASA LIKOD NG PROYEKTONG ITO?
MAGKANO BA ANG DAPAT NATING TANUNGIN KAY GOV., KAY MAYOR JOJO, AT SA SANGGUNIANG BAYAN NG MORONG?
ANO BANG RELASYON MAY ROON ANG YNARES SA DEVELOPER (IPM)
HHHHHHAY mga kababayan kong taga Rizal ano na ba ang nangyayari sa atin at tila yata binebenta na tayo sa ibang lugar at ang mas naka lulungkot at walang kapatawarang nagawa sa ating lahat ng inyong Mayor at Sanguniang Bayan Member ay sang-ayunan ang proyektong ito.
Inuulit po namin ang paanyaya sa mga taga Morong lalo na sa RSG na dumalaw kayo sa Pamahalaang Bayan ng Teresa at kapanayamin ninyo ang aming mga namumuno mula po sa aming Mayor, SB Member, MPDC, o kahit na sinong Division Head ng aming Pamahalaang Bayan, kasama na po ang aming kura Paroko... iisa ang aming stand...HWAG ITULOY ANG PROYEKTO LALOT HIGIT ANG PAG BUBUKAS NG PINTUAN NG MORONG SA BASURA NG METRO MANILA..
bakit po yata wala man lamang stand ang sektor ng edukasyon sa inyong bayan.
may pinoproteksyunan po ba si Dr. D sa isyu.
sayang naman po napakatagal ninyong pinahalagahan ang Morong bilang center of education at dito nakilala ang morong sa magandang paaralang may mataas na kalidad tulad ng URS at TC.
sana'y huwag tumahimik sa isyu ang sektor na ito ng lipunan.
o baka naman hindi tinuturo ang ecology sa mga paaralan sa morong o ang mas hindi siguro katanggap tanggap ay kung may pi no proteksyunan sila sa issue.
(ako po'y nag aral ng high school sa Morong at talaga pong napamahal na rin sa akin ang inyong bayan.. lalo't higit proud po ako sa paaralang aking pinanggalingan kaya lang po ay nag tataka lamang ako sa pananahimik ng mga namumuno dito).
nakakalungkot nga talaga. tama ka na taga Teresa. tikom ang bibig nila ngayon. Mahirap ipaliwanag dahil nagulat rin kayo sa mga justification nila at meron na bahagi sa interview dito ni mayor B na kung may maapektuhan daw ay dapat unang magrereklamo ang mga taga Teresa. Ano kaya ibig sabihin niya dun? Napag usapan kaya ng mayor ninyo at mayor B ang mga plano na ito? hmmm. Malamang hindi kase alam na tutol kayo dito pero natuloy pa rin.
Bakit hindi ninyo paanyayahan ang proponent ng resolution nito? malamang alam na alam niya ito kase siya nag sponsor nito.
Tungkol sa stand ng mga academe ng morong. Baka hindi pa nila alam or busy sila para mapag aralan ito.
Abangan ang mga susunod na kabanata. At binabati ko kayo sa paninindigan ng mga taga Teresa.
Isang araw papasyalan ko ang bayan ninyo para makapanayam ang mga taga munisipyo or papa suggest ko sa mga taga Dyaryo San Guilmo na makapag interview sa inyo.
Salamat at maging matatag sana tayo sa paninindigan natin. Kaisa ninyo kami na mga concern people sa San Guilmo.
Juan
nag karoon na ng pag haharap kasama pa ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang lahat ng member ng SB ng Morong at Teresa at kasama ang dalawang Mayor, kompleto ang aming mga namumuno kasama ang mga head of offices ng Teresa. isang umaatikabong balitaktakan ang nangyari at sapul na sapul ang SB ninyo ganoon din si Mayor. Di nga makapaniwala ang LLDA na ang rehabilitation pala ng open dumpsite ng Morong ay pinag tatapunan pa rin ng basura. sayang at wala man lang representative ang office ng Gobernor.
tama ka baka busy lang ang academe sa usaping ito, sa sabado na nga pala ang Alumnai.
hindi kami titigil sa labang ito, at handa ang mamayan ng Teresa na barikadahan ang aming daan para hindi dumaan ang track ng basura sa aming lugar.
bahala na ang Mayor ninyo kung saaan nya ilulusot ang basura para makapunta sa ENGINEERED SANITARY LANDFILL.
aantayin namin ang pag dalaw ninyo sa aming bahay pamahalaan...SA PAGKAKAISA, KALINISAN, PAG-UNLAD AT KATAHIMIKAN NG ATING BAYAN
kasama nyo ang aming buong pamilya sa pag tutol sa proyektong ito
ngayon pa lang ay naka tatak na sa amin ang mga taong nag benta sa ating bayan sa Metro Manila. mabilis lang ang 2010 at may paglalagyan din kayong lahat.
kay:
Gobernor: Ito Ynares - bakit naman pati Morong ay isinama ninyo sa usapin ng metro manila garbage hindi pa ba sapat ang san mateo. talagang mahirap hindian ang inyong kaibigan.
Gobernor: Jun Ynares - hwag mong sabihing wala ka na namang alam
Mayor: Jojo - mag kano na naman ang SOP mo, ano ba ang susunor mong bibilhin bagong sasakyan o house and lot
Vice Mayor: Emil - alam mo na ba ang ibig sabihin ng Global Warming o hindi pa rin kaya basta environmental concern ay hindi mo na pinag iisipan
Konsehal: Denis sta. Catalina - ano ba ang naisipan mo at ikaw pa ang nag sponsor ng Resolution No.9
Konsehal: Egay de Rosas - Chairman ka pa naman ng Environmental Group puro porma't yabang lang yata ang alam mo o baka naman naitaya mo na sa Poker ang share mo
Konsehal: 4x4 - talaga bang hanggang karera ka na lang sana naman ay mag isip ka kahit ngayon lang sa pag kakataong ito
Konsehal: Dickson - nag aabugado ka pa naman sana ay napaliwanag mo rin ang mga legality ng Resolusyong pinipirmahan mo.
Konsehal: Kamandag - hindi ito kagaya ng kagat ng aso, mas matinri pa ang usaping ito sa tuklaw ng ahas kaya hindi sipsipan ang sagot rito, ikaw yata ang natapalan
AT SA LAHAT NG KONSEHAL NA NAG APPROVED NG RESOLUSYON, SANAY NAISIP MAN LANG NINYO ANG ATING BAYAN LALO'T HIGIT ANG MAMAMAYANG UMAASA NA INYONG PRO-PROTEKSYUNAN. O TALAGA LANG MASYADONG MALAKI ANG KATAPAT. KAWAWA NAMAN ANG MORONG
To Parola, Juan, Myra.
Kung nais po ninyong makapanayam sa RSG podcast ay paki email lamang ang radyosanguilmo AT gmail dot com, ibigay ang inyung telephone number at para ma schedule. O kaya ay ibigay ang info sa lider ng Teresa na handang magkipagusap sa RSG.
Kung kayo ay nahihiya ay maari rin po kayung magiwanng 2 minutes na mensahe through RSG minipodcast , right pane sa website na ito, at include ko sa weekly show.
also, don't forget to visit RSG's sister site Morong Interactive: www.morongtambayan.freeforums.org
-zoilo
rsg
Myra P,
Sapol na sapol mo ang ang mga concerns sa issue na iyon - at istigosanto - tama ka rin at inisa-isa mo sila para malaman nila na walang pashan ng sisi. Huli silang lahat. Eh iyon kayang ibang konsehales tahimik - baka busog na!
At tsaka pagsamasamahin mo man ang educaksyon years ng mga nakaupo ay talagang walang laman - meron nga iyong iba ay magaling sa addition at multiplikasyon table. Di maruinong ng subttraksyon at divbaydibay baka mabawasan ang kuwan.
At hwag mo ng pakialaman ang mga (*&^%$) "Y" na iyan at mga tiga Binangonan 'yan at mga kuwan nila ay marami ng ano (puntong kanila pa!)
Sige laban tayo!
malditang LA
RSG,
maraming salamat sa iyong imbitasyon para sa panayam.
gaya ng aking nasulat bukas ang aming pamahalaang bayan sa usapin tungkol dito. Mas mabuti na ang inyong kakapanayim ay ang aming Mayor at si MPDC, sila ang makapag bibigay ng detalyado at mas malawak na pananaw ng aming bayan (TERESA) ukol sa problema, pati na rin ang mga plano kung paano namin ito mahahadlangang pumasok sa aming bayan.
eto ang numbers ni Mayor Rodel 650-5378 at 6505379 (Jayson Santiago ang secretary ni Mayor)dito rin ninyo pwedeng kausapin ang aming MPDC Mr. Policarpio A. Santiago.
maraming salamat at sa pag papatuloy ng ating pakikipaglaban sa ikauunlad ng ating bayan lalot higit ang ating lalawigan
Mabuhay kayo at saludo kami sa pag sisikap ninyong kunin ang panig ng bawat taong involve.
TAMA..ito ay kwestyon sa iyong kapabilidad at kakayahang unawain ang mga isyung ito. ang paglilingkod sa bayan ay hindi nasusukat ng iyong posisyon at popularidad sa iyong ginagalawang lipunan. ngyong ikaw ay naatasang maglingkod, ano ang iyong kayang ibigay sa aming mga kababayan mo? hahayaan mo na lamang ba na matapos ang termino mo na walang nangyari at nasayang lamang ang tatlong taon na dapat ay naging progresibo ka.( na dapat nman talaga)
ang hirap naman ksi ay puro kayo salita riyan. puro kayo pag-aaral diumano ..puro salitang tagalog na malalim na para bang kayo ay kasali sa patimpalak sa pagsulat ng librong tagalog.
mas mabuti pang wag na kyong pumorma at magdadaldal..ang mas maige ay kumilos kyo at ipakitang gumagawa kyo para s ating bayan. ang hirap ay matapos kayong maihalal ay wla na "yta" kayong nagawa.
wag sasama ang loob ninyo dahil kyo ay naihalal pra maglingkod s bayan at kayo ay normal lamang na masalang sa mga puna at kritisismo.
karapatan namin ang punahin kyo dahil kyo ang naiupo namin riyan..kmi ang naghalal sa inyo sa nirami-rami ng taong may gustong maglingkod sa bayan.
eto po sabi nya "WHEN YOU CRITIZED,DON'T PRAISED YOURSELF"
CORRECTION PO..."when you critize (raw po) don't praise yourself" wla pong "D" dpat. yun lng po
kung spelling lang at grammar ay nagkakalintik-lintik na ang mga ito..ano pa kaya sa pagpapatakbo ng isang BAYAN. demet...
I CAN PERSONALLY SAY THAT HE IS WRONG IN HIS ALLEDGED ACCUSSATIONS AGAINST ME AND THE OTHER COUNCILOR FROM OUR BARANGAY WHICH I OPPOSED IN A STRONG TERMS AND I WANT TO EXPLAIN MY SIDE ABOUT HIS OPINION.
ayon po iyan kay konsehal. correction po..
SINGLE "S" po ang accusations.
a strong terms - term po lamang wlang "S" or alisin ang "A"
ALLEGED po at hindi ALLEDGED
ang paglilingkod po s bayan ay hindi niraraan sa pananalita. kahit anong lalim pa po ng inyong mga pinagsasasabi,, ang PAGKILOS pa rin po ang pinakamahalaga.
wag po ang puro bibig dahil yan po ang dpat nang palitan sa bulok nating tradisyunal na politika ng morong.
hindi na po impressive ang pagsasalita ng malalim na tagalog o pagpopost ng mahahabang liham dito. lhat po iyan ay wlang kwenta. ang hinahanap po namin ay ang inyong pagkilos.
babantayan po namin ang galaw ng bawat isa sa inyo patungkol sa diskursong ito. nawa nga ay hindi nyo "IPAHAMAK" ang inyong sariling bayan.
HANGGANG NGAYON b ay wala ni isa mang tga-munisipyo na magtatayo ng kanilang bandera sa kahihiyang ito na knilang sinimulan???
sino b dpat sisihin rito?? mga taga-morong b na nghalal sa inyo s pwesto o talagang kayo??
marahil ay ito na ang sukatan ng inyong kakayahang mamuno o di kaya ay ipakita ang inyong intelektwal na kaisipan.
nakalulungkot na nabigo kmi sa inyo sapagkat hindi nmin makita s inyo ang mga katangian n dpat makita s isang public servant.
darating ang panahon,,ang issue sa basurang ito ang lalala pa at sa dako p rooy aanihin natin ang pinirmahang kasunruan ng mga opisyal na ito
malalanghap natin ang amoy ng kabulukang iyan,,mararamdaman natin ang banta sa kalusugan ng pinirmahang papel na iyan..siguro pagdating ng panahon na iyon ay wla na rin sa munisipyo ang mga opisyal na ito subalit patuloy pa rin na mararanasan ng mga magiging anak at apo natin.
alalahanin natin na ang pangyayaring ito ay hindi panandalian lamang kundi HABAMBUHAY na nating pagtitiisan pagrating ng araw.
wla n ako masabi sa utak at isip na mayroon ang ilang opisyal natin sa munisipyo huo...
wag nyo na kaming paliwanagan dahil magpapa-impress lamang kyo..wlang kwenta..pwe..
Mag-post ng isang Komento