According to a report by tv program "I-Witness", half of Rizal province population don't have access to toilet. Say what?
"50% of Rizal province’s more than one million residents do not have toilets. Sandra goes to Jalajala, Rizal and discovers that until now, locals either go to the river to answer the call of nature, or use the old system of digging their own “dump” site." -Saksi, GMA Pinoy TV
Alam ko nuong araw ay nagbibigay ng toilet bowl sa atin. Calling the "Y" Family, magmurmor naman kayo kahit drum.
News link
5 komento:
inake... anu ba iyan!
Naku pooo naman at kahit tayo a may problema sa basura ay may mga CR naman tayo. Noong araw nga eh may kapirasong patpat ka lamang ay pang-iwang na eh. Minsan nagamit ko pa sa Lanang ay rahon - is-is pala naku poo hapri.
Mabuti naman at ang nasa video ay raon sa taniman kumuwan - pertilaser pa nga eh.
Di gaya sa munisipyong mga piriso -nakalawit lamang ang puwit sa bagong di kuno boardwalk ng MBA - ay di pagbagsak ng ano sa ilog ay busog ang mga isda na siya namang binabaril sa Ibaba!
Aba okey ang cycle of life hane NC - ganyun ba sa Tarlak?
rine sa tarlac ay maraming pang iwang at tubuhan ang mga lupa rine. baka langgamin lamang mga tumbong.
me mga kubeta naman akong nakita sa atin. kaso nga lamang ay parang umuurong ang "tache" pag umiiri sa rurumi.
NC, alam mo noong araw (serious na ito) ay napakagaling ng community program sa SG. Raon ako nag tibare noong ginagawa ko ang thesis ko sa MA ED at ang aking research ay kompleto ang mga CR at running water sa SG mula Agas-as hanggang Pirinsa. Kutakot na hirap ko pag re-research ay iyon palang Pirinsa ay hindi natin kakampi, ehe, sakop pala, pero sinama ko rin sa aking thesis at pamparami.
Bilib ako at #1 ang SG noong panahong iyon (1960s)baka ikaw ay grade one row 1 or 6 hahahaha.
Bina-hay-bahay ko ang research at paguwi ko ay may pabitbit pa prinsipal na isang bayong na bagong aning mais o minsan ay mani.
Ngay-on naman ay may community development na subject for BSE sa TCMC at ito ay mga grupo ng students na tumutulong sa mga barangay.
Sana naman ay tutukan or ituloy ang health and sanitation program na ito ng barangay hane?
Akala ko bakasyon ka sa California. Nariyan ka pa pala sa tubuhan - mahapri nga kung rahon ng tubo.
Parikana at mag podcast tayo nina Z.
4/20
Ngay-on ko lamang napanuor itung I-Witness report sa Jala-jala.
Maige naman pala at silay me mga dalang tubig na pang hugas pag tumatache sa siitan, hane. Iyung isa ay sa me butas pa ng puste ng bakuran umupo.
Kami sa San Guilmo ay sa pilapil lamang mga naka paningkayar at bubunot lamang kami ng bakiskisan na pang iwang ay katalo na. :-)
Medyo ingat dapat mga taga Jala-jala sa ganitung ugali na basta mag babawas.
Sa Trento, Agusan Del Sur ay nai report rin sa TV kamakailan lamang ay 30,000 ang me Schistosomatidae o ang tawag nila sa Trento ay Sisto(schistomiasis).
Pag nag penetrate ang Sisto sa balat ng tawo ay sasama iyan sa blood at within 7 days ay nasa atay na. Pag nasa atay na medyo "atay" ka na rin. Me report rin na pati sa utak ng tao ay pwedeng manirahan ang Sisto kaya pwedeng maging aanga-anga na lamang.
Pag may sisto ay mag lalakihan ang mga tiyan at hindi kalaunan ay mayayari na rin ang naapektuhan nito.
Ang nang yari sa Trento ay mga wala ring kubeta ay sa ilog at sa mga sapa tumatae mga tawo. Ang mga itlog na nakasama sa feces o tae ay mapupunta sa tubig. Ang problema ay ang bayang iyon ay maraming suso na maliliit kagaya ng suso natin na pinakakain sa mga itik (sana ay hindi iyan japanicum, mansoni at haematobium na suso). Ruon sa susong iyon naman mag pe penetrate ang pag napisa na ang itlog na nakasama sa tae. Pag preswimming (cercaria) na ay lalabas na iyon sa suso (isang suso na less than 1/2 inch ang haba ay mga 4 milyon ang lamang cercaria). Pag labas niyan sa suso ay mag pe penetrate na iyan sa skin ng tawo.
Ngay-on ay pati sa sakahan ng Agusan ay me mga Sisto na rin. Mag buta na lamang pag maglalakar. :-)
iyan ay sa microscope lamang natin makikita kaya nakakatakot.
anu kaya ang mga susong nakikita natin sa laguna lake?
o sige. bawal tumae rito.
matabuak
Mag-post ng isang Komento