Biyernes, Abril 11, 2008

Pagbibilar ng Palay sa Karsada - Sagot ng Sanguniang Barangay

Ito po ang sagot ng Sanguniang Barangay ng San Guillermo hingil sa complaint ng isang concern citizen na unang idinulog sa Radyo San Guilmo. Nalathala rito nuong Marco 12, 2008 at pinagusapan sa RSG podcast episode #70.

From: Barangay San Guillermo bgy.sanguilmo@yahoo.com
Sent: Tuesday, March 18, 2008 9:46:34 PMSubject:

ISANG MAPAGPALANG ARAW PO SA INYONG LAHAT!

Una po sa lahat ay nais namin tumugon sa inyong email sa amin tungkol sa pagbibilar ng palay sa ating mga kalsada.

1. Nais po namin ipaaalam na tunay na ipinagbabawal ng batas nasyonal sa pamamagitan ng DPWH o Department of Public Works and Highways ang anumang harang sa kalsada na pwedeng maging dahilan ng anumang hindi inaaasahang aksidente dulot ng mga nakaharang tulad ng pagbibilar ng palay sa mga pangunahing lansangan o kalsada at kung dumarating ang isang emergency tulad na lang din ng may isusugod sa ospital ito ay magiging balakid/sagabal sa kalsada.


2.Para po sa inyong kaalaman wala pong resolusyon o ordinansa na ipinatutupad para pagbawalan ang sinuman na magbilar ng palay ngunit kung dumarating ang pagkakataon na may nagrereklamo sa pagbibilar ng palay dahil ito ay sagabal sa kalsada at nagdadala ng makating giik na naiiwan sa pagbibilar at nakaaapekto sa sinumang nagreklamo minamarapat lamang namin na tugunin ang kanilang hambing sa barangay.

3.Sa kasalukuyan nagkaruon ng problema sa bagay na ito ( ang pagbibilar sa kalsada) ng magreklamo ang isa nating kabarangay dahil sa kati na idinudulot sa kanila tuwing magbibilar sa tapat ng bahay nila kaya't minarapat namin na tugunin ang bagay na yun at mapag usapan ang solusyon.

4.Sa mga nagbibilar ng palay ang pakiusap lang naman ng ilang mga kabarangay natin ay buhusan nila ng tubig ang pinagbilaran lalo na ang mga pangunahing kalsada na dinadaan sa araw-araw upang humangin man ay hindi magdulot ng anumang epekto ang giik na naiiwan ng binilar na palay upang maiwasan na ang anumang hindi pagkakaunaawaan.

5.At kung magbibilar ng palay sa pangunahing kalsada bukod sa buhusan matapos pagbilaran ay kung maari naman ay huwag pakasakupin ang kalsada sa pagbibilar at wag lagyan ng harang dahil hindi maiiwasan na in case of emergency ay mapipilitang madaanan.

6.Muli, sanay mauunawaan ng ating mga kabarangay na hindi namin ipinagbabawal ang pagbibilar ng palay kinakailangan lamang po na maayos na gamitin ang mga pangunahin nating kalsada upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan.

MARAMING SALAMAT PO at Sanay nabigyan po namin ng magandang kasagutan ang inyong katanungan.

SANGGUNIANG BARANGAY NG SAN GUILLERMO

1 komento:

Unknown ayon kay ...

Nag papasalamat ako sa ating mga namumuno sa San Guilmo lalu na kina Konsehal at sa Punong Barangay sa inyung pag i email sa RSG.
Patuloy po inyo kaming i update sa inyung mga plano at ginagawa sa ating Bayan.

Salamat po, Matabuak