WARNING:99.87% TAGALOG (MORONG FLAVOR)
EMAIL RADYOSANGUILMO@GMAIL.COM
Huwebes, Abril 03, 2008
RSG No. 71 Nimby Yimby (Morong)
Nimby o Yimby? ba ang taga Morong
(No/Yes in my backyard)
Sumalunga pa si Matabuak sa Morong at hingan ng opinion ang ating mga kababayan tungkol sa controversial basurahan. Pakinggan po natin ang kanilang mga iniisip sa isyung ito.
Download and Listen
Episode 71 at 128 kbps (broadband, hi quality audio) File Size: 32.9 Mb
Episode 71 at 32 kbps (dial-up, low bandwidth) File Size: 8.3 Mb
Running Time 35 minutes 46 seconds
Show Notes
San Hosef: isara at abot ang smog rito, ok kung malaki para mag ka income, at walang corruption, hindi dapat matagalan, basta maganda ang processo, pabor isara, hindi alam ng mga tag arito na maaring magtapon ang MM, kumitay taga SG, ilan track ang raraan,
J Pascual: pangalanan mo, matapang na Filipino, magsara man o magbukas OK lamang, manhir na ako, bale wala na, immune na sa baho, makonsensya yung taong pumayag na gawing basurahan ang Morong ng taga MM, hapon hanggang gabi ay rumaraan ang mga truck, masamang pakinggan ang "Morong Basurahan", Morong ay historical hindi bazoora town, kailangangg iginagalang ang pangalang Morong Rizal, hindi nakaapak si Aguinaldo at Bonifacio sa Antipolo, kailanagang tinanung muna ang mga mamamayan, pakinggan ang tinig ng taung bayan, hindi biglaan, sa likdo ay may epekto, aksyunan nila, pangit pakinggan ang Morong basurahan, wala ng Magdalo, magdiwang na tayo.
Ibaba/ Halo Haluhan: amoy sa buong Morong lalu na pag umuulan, hayaang ng magtapon na taga Maynila, 1 million isang buwan, tumawag muna ng meeting kung papayag ang taung bayan, hokus pokus
San Guilmo: nangangamoy, babaho ang San Guilmo, hindi tama, walang ka alam-alam, kaawa na ang malapit, ibubulusok tapos tatabunan, hindi sa taung bayan mapupunta ang kita, saan ang pira, kaawa ay yung malapit, hindi alam ng iba na ganuon ang magyayari, mete tamo kin, pataas o pababa, kaliwa o kanan, simenteryo sa Teresa, rehabilitate ang lumang dumpsite,
taga America: maayos ang processo sa America, kung walang amoy Ok lamang, basura nay basura pa, nakatatakot na mangyayari, hahalungkayin pa ng mga tao, sinung magbabantay?
Rating taga Binutas: tamang isara, amuy ay mabaho, siguradung mangangamoy pa rin pag magtatapon ang MM, sigurado ng babaho, muntik ng mangagat ang aso, hindi payag na magtapon ang MM, 12 million isang taon: kikita, di bale kung makakatikim ang mamamayan, silaban na lamang ang basura (sigaan), ibaon na lamang sa lupa, maggawa sila ng kanilang basuraan, kita namin ang track track na nagtatapon galing, talagang nangangamoy
Labas/Istasyon: rito nga itatapon, apektado ang San Guilmo sa bagong basurahan, mamahal ang lupa pag naisara ang basurahan, wala ng amoy?,
Halu-haluaan sa SG/Binutas: tataas ang value ng lupa, abay hindi namin alam na magtatapon ang metro manila, abay kami ang maaapektuhan, nuon walang bumili ng lupa sa basurahan, Gulor Bayabas, panstong, kung marami ay aapekto, sa tinagal tagal baka kapareho rin ng lumang basurahan, global warming,
San Guilmo, Salog: anung isip natin, langhapin na lamang natin, apektado rin ang Prinza, sa Tumana abot ang baho (Binangonan), malayo ang abot ng baho, Baging Bayan Teresa
Dulo: anung klaseng basura ang itatapon, walang idea ako, nagpapasalamt kung isasara ang Taghangin, pero maynagtatapon pa rin, baho ng Metro Manila ay mangangamoy sa buong Morong, kahit sa Lagundi ilagay hindi pa rin siya pabor, karamihan ay mukhang ayaw...kikita ng 1 million.. kikita ng isang milyon ... sino?
UPDATE:
4/8/08 by Zoilo
First time pong nakinig ang aming Nanay sa radyosanguilmo (alam niya na meron kaming podcast pero hindi siya mahilig, akala ay kami lamang magkakapatir ang nakikinig).
Napakinggan niya ang interview sa Mayor, saludo siya sa mayor sa ginawang aksyon na isara ang mabahung dumpsite. Nuong isang lingo iyon, pero kanina ay dalawang beses tumawag sa akin at galit na galit, at feel na feel ko na kumukulo ang rugo (mainit talaga). Kanina pa lang umaga ay tinawagan niya ang kanyang mga kamag anak sa Prinza (Teresa) at sa Dulo, at sa kanila ay nabalitaan niya na marami pa ring nagtatapon at truck truck ang yaut ito sa Taghangin galing sa ibat ibang panig ng Metro Manila para e dump ang kanilang garbage. Gabi at daling araw ay paraot parito ang mga garbage truck.
Hindi nga naman maganda ito, isasara na nga eh, triple naman ang nagtatapon. Anu ba iyan.
Sobra na. Bakit hinahayaan ng probinsya at ng SB Morong na ituloy pa ang pagtatapon. Obviously malaki ang kita.
Sa mga konsehal at namumuno aksyon naman ninyo, kung sara ay isarado natin. Ang mga tao pati ay nag dududa na kayo ay MALAKI ANG KITA!
NOTE:
Thanks Matabuak...maari po kayung mag comment...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
Kongratulasyon Matab, good job, puede ka na sa SEE N N. No kidding you did a very infomercial work. Mercial kasi kasama na ang "this is brought to you by RSG"..... at una sa mga balita at live interview.
Diyata't "ay cno ang kukura sa isang milyon?" I love that answer from the tsik.
Homsik ako at narinig mga tilaok ng manok at traysikel. Iyan pa ang isang issue noong panahon pa ni Rizal hehehehe. Sa noise pollution naman iyon.
Ok rating ng mga komento ng mga tawo - kilala ko bosis noong sa SJ kasi pati tilaok ng kanyang talisayin ay kabisado ko raon kami nag mamajong, pero iyong mga babaye ay midyo alangan ako sa pagkilala, baka kako ang isang boses ng tsik ay iyong nasa kanto sa bayan (Morong).
Ang ibang mga tao ay rinig-rinig lamang sa mga kaper siguro - wala bang "straight from the horse's" mouth na anunsyo munisipyo? Nag "town meeting" ba sa plaza at sa mga barrio ng malaman ng lahat.
Iyong isang tiga Ibaba ay "Ok lamang sa akin," aba naman ay ano kayang rason niya at ok lamang. Pare, baka bata ni meyor ang nakausap mo.
Salamat ulit sa iyong "front line" reporting. 'Sya balik ka na sa nursing book mo. We miss you man.
Mag-post ng isang Komento