Tingnan po ninyo ang simbahan
ng Morong habang nasa proseso
ng restorasyon. Ang La Torre
ay isa sa pinaka magandang
simbahan sa Pilipinas. Masdan
ang naiibang arkitektura nito.
Dear Morong Folks.
Kapayapaan!
Malinis na ang 80 por siyento ng La Torre, kung may
luma kayong larawan aymakikita na ninyo ang pagkakaiba.
Maari po ninyong tingnan ang mga larawan.
http://www.catholic-church.org/adpac/temporal/malinisna.html
Pagkatapos nito ay ang paglalagay na epoxy sa mga
crack sa dome. Bukas ay kukunan ko ng mga larawan
ang ilalim at ibabaw ng sahig ng Koro. Sana nga'y
maalis agar ang mga bakal bago man lamang ang Semana
Santa at Kasal ng Milenyo.
Sa mga patuloy na tumutulong, salamat po ng marami.
Kanina ay mayroong nangakong sasagot ng pagpapagawa
ng bago ngunit antique style na "gate" ng simbahan.
aasikasuhin ko po ito pagkatapos na ng mga mahal
na araw.
Kung mayroon pang lalabis sa ating pondo ang balak
ko po ay maipagawa ng asawa ang leon (foo dog) na
nawala sa may gate. Naghahanap po ako ng mga
professional na mang-uukit ng bato.
Fr. Larry
Parish of St Jerome
Morong,Rizal
WARNING:99.87% TAGALOG (MORONG FLAVOR)
EMAIL RADYOSANGUILMO@GMAIL.COM
Huwebes, Marso 16, 2006
La Torre Restoration (Morong Church)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
'ganda hane! tulong tulong ang bayan.. mabuhay kayung lahat riyan!
Hallo I absolutely adore your site. You have beautiful graphics I have ever seen.
»
Mag-post ng isang Komento