Lunes, Marso 06, 2006

RSG Episode 14: Artifacts na pang Museum

BROADBAND Download Episode 14 @ 96kbps (25.3Mb )
LOW BANDWIDTH Download Episode 14 @ 24kbps (6.3Mb)
LISTEN TO STREAM: use Stikman, lower right pane
Running Time 35:43


Show notes

gamit nuong araw na nawawala na baka puedeng ipunin, anu kaya ang mga gamit o materiales na iyun, ataro't gabi na, may bumati sa mga kaiskwila (1964) at pinsan... sinu kaya, aba'y makinig na! happy fiesta sa taga Teresa at Prinza!
alilisan kay tike at kay amper, si Matabuak kumakain ng mangang hilaw

artifacts sa san guilmo: unexploded bomb in Sapang Kay Ta* nuong panahon pa ng Hapon, nilalaro nina Matabuak at Batang Salog, sumabog kaya?, labangan na bato, araro, paragos, gamit nuong panahonng Kastila at Hapon.. maaring ilagay sa San Guillermo Museum, importatnteng maipon para sa mga susunor na henerasyon, gamit ng mga magsasaka nuong araw, yung mga anak natin, apo ay pupunta sa SG Museum, makikita ang mga buhay buhay nuong araw, panawagan ni Matabuak, ipunin ang mga artifacts ng SG, baka makapagpatayo ng museum ng SG, labangan na parang bath tub na inukit sa "buhay na bato" nuong panahon pa yata ng Kastila, sinung gumawa nuon? maaring ipunan ng tubig, ayus na ayos ang mga bato sa Matabuak.

alilisan, sugar cane plantation ang Tumana nuong araw, gilingan ng tubo... juicer, may kalabaw na paikut-ikot para makuha ang katas, asukarera de san guilmo, huling taniman ng tubo ay mid 70s,

Mga salitang ginamit
ataro
hinlalagak
albor
langutngot

Musikang pinatugtog
? special piece...
Masdan mo ang mga Bata by Asin


Websites na binangit
Estehanon Podcast: All Waray-Waray
Wikipedia: we're documenting San Guillermo history, serach for Morong or San Guillermo

17 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

maganda ang ginamit mong music.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

okay ang topic ninyo ngay on ah, museum! sana mag karoon nga tayo niyan sa sanguilmo. it's very educational. importante iyan para may balik balikan tayo at 'yung mga new generation, malaman nila ang buhay buhay ng mga ninuno natin. kayat pag may mga kwento ang mga nanay, tatay, lolot lola ninyo isulat ninyo, wag ninyong babaliwalain. para hindi na lilimutan. baka later on maging historian pa kayo.
sige, 'tong mga anak ko eh nag tatampo bakit ko raw sila hindi inintay mag radyo. mahilig ren silang makinig sa inyo. kaya uulitin ko ule./mg

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

abay salamat sa pakikinig.. atin ang radyo na ito kaya mag-enjoy.. ang mga comments ninyo ang nagpapagana sa amin..

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

211 downloads ang episode 13..naku poooh
ma kickout na ako sa server,, giga giga bytes...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ang rami niyong fans! ^_^ finally napakinggan ko ang episode na to ngayon habang nasa trabaho.. ok ah! At magandang idea yan para sa lahat ng mga barrio sa pinas.. sana meron rin sa bacolod..

malaki na ba ang pinag-bago ng san guilmo? since nag move kayo dito sa u.s.? kasi napuntahan ko yung official site ng bacolod city at napansin ko na talagang umunlad doon. ang raming pinag-bago.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

mag ragrag ako.. yung view sa matabuak ay maganda.. one side ay barrio SG ang other side facing east ay Laguna Lake.. although malayo, maganda pa ring tingnan yung Morong town proper with century old church...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ako'y aliw na aliw...simula sa tugtog pa lamang eh ako'y naaliw na nang husto. Ay anu ba't nang magsalita pa ang mga hosto...este hosts eh ako'y lalung napahagalpak ng tawa mangyari ay puntung-puntong san guillmo aba...ay maigi palang makinig rito pag ako'y walang ginagawa at maaliw-aliw naman ng kaunti. sayang nga lamang at pag raraan ako sa pagkalampas ng san guillmo at akala ko'y masyadong malamig at may fog eh hindi pala at yun pala'y smog at gawa ng mga basura ruon sa may subdibisyon ng mga bisaya at bikulano...ha..ha..ha....ay di yata't mayruong asukarera de san guillmo nung araw? ay anu ba't hindi ko yata naalaman iyun ah...ay sayang at ngay-un yata'y plantasyon de marijuana na at marami yatang durugista ay siguro'y kailangang ibalik ang asukarerang iyan at nang may pagkaabalahan mga kabataan at nang hindi mawalan ng pagkakaabalahan. Hi sa aking pareng eliseo sa san guillmo...kumusta pamamasada...marami na akong utang sa inaanak ko pero sana'y matagpuan mo na ako sa susunor na pasko...he...he...saludo ako kay batang salog at matabuak...bagamat salamat amerika ay naruon pa rin ang punto at pusong san guillmo...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Matabuak - tama ka diyan, nakakahawa nga ang punto eh.. minsan pag nagtatagalog ako eh biglang iba na ang punto ko hahaha! kasi naman tatlong beses kayo nag re-record every week so lagi akong nakikinig MWF.. di maiwasan yun XP

na notice ko nga na and letter "d" niyo eh nagiging letter "r" ..

ang laki nga ng pinag unlad ng bacolod.. wala pa kaming mga mall doon noon tapos mukhang maganda na ang mga daan.. at pati yung airport..

so anong nangyari sa matabuak? nandoon parin at di pa nadevelop?

oh yah, noong last episode.. napalaway ako doon sa manggang hilaw.. paborito ko pa naman iyon.. pag nakatuhog sa stick tapos may bagoong sa itaas.. mmmm..

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Mishi: nakahahawa bah ang aming puntoh :), hahahaha , na mention ni Matabuak yung iba ibang punto sa Rizal, everytown ay mayruon (iba ang Tanay, sa Antipolo, Binangonan and Morong),
Yung Matabuak hills at karatig lugar ay dapat ay may golf course pero hindi na approve kasi yung tubig ay manggaling sa Laguna Lake...baka ma ubos

Supladang Moronguena:
i heard na pinahuli at pinakulong ng dating Mayor ang lahat ng addict sa morong including SG. abay magandang nagyari iyan.

yung basurahan sa Sitio Binutas ay nakatatawa gawa ng nasa creek pa, anu ba naman iyan! ang galing ng planning ng bayan ng Morong :(, meron ngang article sa national publication na criticize ang mayor and bayan sa smokey mountain na iyan.. Si Matabuak nga ay inis na inis kasi, sa lupa pa ng Nanay niya naka tapat.. ang question ay MAGKANO ANG LAGAYAN.. :(

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ka malas naman ng nanay ni matabuak. aydi, langhap na la langhap niya, hane?/mg

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Bandwidth isyus? Try ninyo ang http://www.libsyn.com

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Try ninyo rin i-compress and mp3 files - http://www.mp3tweak.com

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

thanks manuel,
i upgraded our hosting plan to 500GB data transfer from 50GB ($5 more) hopefully tama lang yun . Marami akung narinig na + sa libsyn. .. i will check yung mp3tweak.com..

btw, thanks sa publicity, yung listeners even from Morong town ang sabi nila ay sa viloria.com nakuha yung link.. salamat uli!

zbatang salog

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Talaga? I'm glad more and more people are finding out about your wonderful podcast. I wonder why people from Morong found the link at our site. Siguro they were searching for "San Guillermo Morong" in Google? :-)

Keep up the good and interesting work. Siguradong (sigurarong?) rarami ang mga fans ninyo! =)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

nakakahawa talaga ang punto namen hane? yes google "morong rizal", top 10 ang viloria.com review of RSG.

thanks uli...

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

di ba may "ordinance" rin kayung nalalaro nuong araw...

guess what they've found in Lucena, Quezon:

Saturday, March 25, 2006


Vintage bomb found in Lucena

By Belly M. Otordoz, Correspondent

LUCENA CITY: A 14-year-old scavenger, who was on his way to sell metal scraps, on Friday discovered a vintage bomb weighing six kilos near the Dumacaa River bank in Barangay Cotta here.

Police Supt. Remberto Cataluña, regional officer of the 4th Regional Maritime Office, said he saw Fernando Quebrado holding on to a large piece of metal while he was walking.

Examining the object closely, Cataluna confirmed that it was a bomb, took it from the boy and covered it with plastic material.

Cataluna said the bomb is classified as an “unexploded ordnance,” which could cause damage within a 100-hundred meter radius.

Quebrados was unaware that he was holding a bomb. He said he just wanted to sell it for scrap.

The police said the bomb was probably dropped from a plane during the 2nd World War but failed to detonate.

It was turned over to the bomb disposal unit in Camp Guillermo Nakar.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

This site is one of the best I have ever seen, wish I had one like this.
»