Miyerkules, Marso 22, 2006

RSG Episode 21: Artists United

Download Episode 21
Running Time: 38min BPM: 96kbps

Show notes
LIVE HARDRIVE SHOW:
nagkakainitan si Batang Salog at Matabuak dahil sa "ngayon at bukas", Email and voice message of Erich Tunque, SG band named Nutri Ban XP, batang nutri ban revisited: rasyon, rice shortage, palaman ay star margarine or sugar;


Mga salitang ginamit

nakaw ah
kako bay bukas ay bukas, ngay on ay ngay on
bubulong-bulong
nakasussuka
rasyon
umaangal kami

Musikang pinatugtog

Sayaw sa Bubog by Nutri Ban Experience (orig by The Jerks)
Mister Kupido


Website

6 (na) komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Helowwwww.....kumusta na kayo riyan...ay anu ba't para na akong na addict rito sa pakikinig rine sa radyong ito ah. Dangay naman kasi eh talagang nakaka relate ako't magkakababayan tayo. Anu ba't pati mga tugtog ay tamang-tama naman kaya lalong nakakaaliw. Hindi na yata kumpleto ang araw, (o pag masyadong busy ay ang linggo) kapag ako'y hindi nakapakinig rito. Ako'y nawala sandali at gawa ng sobrang rami naman ng aking mga social obligations na kailangan magampanan. At speaking of those artists, aba'y ako'y may uwido rin riyan. Hindi nyo itatanong ay nasasama sa exhibits ang aking mga drawings at paintings nuong ako'y nasa elementary pa lamang. Ay awan ko naman kung ako'y may pinagmanahan o talagang God-given talent iyan, pero basta nung sa college at hindi ko nakuha ang kursong Fine Arts ay ako'y parang nawalan na ng gana kahit na nakatapos rin ako ng college. Si Tiyo Paeng ay isa sa magaling na artist at may shop siya sa Mega Mall ruon sa 4th flr. Sana ay mas nare recognize ang mga artists na kagaya niya dahil parang hindi masyadong napapahalagahan in terms of recognition and appreciation. Or siguro'y it takes an artist to know and appreciate one. And speaking of artists, yan palang mga painters ngay-on ay gumagamit na rin ng tarpauline or meaning, yung mga obra maestra nila ay napi print (exactly the same as the original) rin nila and can be sold at a lower price. I accidentally learned about it when I had a visit at a printing company for my advertisements. Akalain mo....kung hindi marunong tumingin ang isang taong bibili eh pwedeng-pwedeng ma peke sya....ngiiii...mahal pa naman. Oh well, some buyers naman prefer just a copy and not necessarily original pieces. Para lamang magkaruon ng gayak sa bahay ika nga. Pero tama ang proposal ninyo na magkaroon ng organization or samahan ng mga artists rito. Yan eh para rin sa bayan kasi ay malaki rin naman ang maitutulong nila sa Morong. Recently lamang eh may kilala akong nag balikbayan na nakabili ng paintings kay Tiyo Paeng worth almost a thousand $! O, di ba magandang balita yan....lalot alam nating si Tiyo Paeng eh napi feature na madalas sa mga TV programs. Riyan lamang ay sikat na ang Morong...how much more kung malalaman nilang marami pang artists at potential artists na nariyan lamang sa suluk-sulok at hindi lamang nabibigyan ng tamang break ika nga. Well, siguro'y funding will be one of the problem at hindrance kaya hindi makita ang pagiging artist ng iba riyan kasi eh alam naman nating malaking gastos ang mga materials pa lamang sa pagpe paint. But just like what you've said, given the right support and back ups from the people in authority perhaps or yung mga may capacity to help, eh walang imposible. Ay pag hindi maski yang kaliit-liitang kuliglig at alitaptap na nagtatago sa puno ng tatlong mangga (nabawasan na) eh nai drawing ng mga iyan eh..teka ngat ako'y bigla yatang nagkaruon pati ng idea ah....eh hilig ko rin yang magkuha ng pictures ng nature eh.....tayka ngat ako'y mamasyal bukas at ng ma capture ko iba-ibang eksena. Gusto ko pa sanang mag comment riyan sa calendar of events at nabasa kong ang RCBC ay may welcome reception sa mga balikbayan. Ay nakaw, isa lamang ang masasabi ko: wag na wag kayong mag deposit riyan. KULANG sila sa costumer service. Anu bat pag papakanila ay mabilis pa sa alas cuatro na mag serbisyo sa inyo pero pag papalabas na sa kanila pera eh abutin ka ng siyam-siyam bago ka asikasuhin. I have personally witnessed how they play favoritism at kung paano nila pinapaboran ang big clients na maraming pera na naka deposit, eh hindi ba pare-pareho lamang na clients maliit man o malaki ang deposit? Nakakalungkot na silang nasa sariling bayan natin eh hindi tayo maasikaso nang husto samantalang yung ibang taong nasa bangko sa ibang bayan eh napagsisilbihan tayong taga Morong ng mas maayos. Ive had a bad experience with RCBC Morong and since then, I've said to myself NEVER to transact again with those people. At kaya siguro magpapa balikbayan party eh dahil maraming balikbayan na kliyente. Nakakahiyang hindi sila equal mag treat ng clients eh for all they should know eh ang mga narito'y pinapadalhan rin naman ng mga nasa abroad and they earn from those transactions. Tsk...Tsk...Tsk...kaya pala $100 lang wi withdrawhin moy kailangan mo pang tumawag kung may available silang green...pano na lang kaya kung merong emergency...baka mamatay na nangangailangan eh hindi pa nakaka withdraw. O, sige na ngat humahaba na naman nang husto ito at nagiging mataray na naman ang rating ko. Baka mawala lamang ako sa mood ay hanggang umaga sa paggising koy iyamot ako eh plano ko pa namang magkuha ng pictures. Exciting ito....hanggang bukas....

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

anu ba supladang moronguena :)

napanuor ko nga minsan sa TFC ang tio paeng mo, feeling ko pating bumili ng isa niyang likha.. ginugle ko nga ay wala akung makitang website... at one time yung works niya ay nasa eBay fetching for hundreds of dollars.. magaling, kamay lamang ang ginagamit sa paggawa ng paintings.. na e link ko iyung article about him..

hindi naman maganda iyung RCBC Morong, dapat ay palagi silang naka ngiti..baka kailangang paltan na sila ng ATM :) saan ka ba based Supladang M...?

maari ka pang magtake ng klase sa pagpipintura, kung nasa North Am ka ay maraming opportunidad na magaral, weekend or gabi.

sige, mag kuha ka ng mga magagandang images at e share mo naman sa amin..

sige,

zbatang salog

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

bakit parang hindi yata kayo naka pag paalam. akoy intay ng intay
ay wala na pala./daisy

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

huo nga, napansin ko ay late na... hayaan mo't sa susunor ay hindi namin kalilimutan...

Zoilo Bernardo ayon kay ...

San Guilmonians Tops MNHS Class of 2006
by Jewart Carigo

Morong, Rizal (March 23, 2006) - Among 800+ fourth year high school students in Morong National High School, two pride of San Guilmonian's Bagged to Top Honors, respectively:

MARK NEIL LOZADA - CLASS VALEDICTORIAN. Son of Mr. & Mrs. (+) Aniano Lozada of Sitio Sulok-Agas-as. His nickname, Mac-Mac. A consistent Honor Student. He started his Kindergarten in Faith Bible Christian School (Sitio Tambongco,San Guillermo) with 3RD HONOR. He completed his Elementary Grades in SGES and graduated 2ND HONOR.

He was ranked #4 in First Year, and ranked #3 in Second Year. He remained to be on Top when he doninated his 3rd year until Fourth year in the #1 slot. His General Average is 93.94 and it's a milestone for the Salutatorian average of 92.28.

His life is a JOURNEY where he's facing POVERTY, TEARS, CHALLENGES AND TRIALS, tough PROBLEMS but he is now a Proud to be VALEDICTORIAN. His Graduation Rights is on March 29, 2006 @ 6:00PM. We are truly proud of you MAC-MAC!!!

A pride of SGESAlumni!!

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Hmm I love the idea behind this website, very unique.
»