Lunes, Oktubre 29, 2007

Bukas na Panawagan sa mga Opisyal ng Bayan ng Morong

This was forwarded to Radyo San Guilmo by concerned Morong citizen:

BUKAS NA PANAWAGAN SA MGA OPISYAL NG BAYAN NG MORONG

Mapitagan po kaming bumabati sa inyo sampu ng inyong pamilya at nagpapasalamat sa inyong paglilingkod bilang mga halal na pinuno ng bayan. Naniniwala po kami sa inyong kakayahan na paunlarin ang bayan ng Morong at panatilihin ang kalusugan ng mga mamamayan at ang kalinisan ng ating kapaligiran.

Nais po naming tawagin ang inyong pansin sa mga obserbasyon ng ating mga kababayan kaugnay ng basurahan sa Taghangin na tila matagal nang problema na nangangailangan ng madaliang solusyon. Narito po ang mga obserbasyon:

1. 1. Halos umabot na sa kalsada ang mga basurang itinatambak sa naturang lugar;

2. 2. Napakabaho at umaalingasaw sa buong palibot at maging sa kabayanan ang amoy ng basura;

3. 3.Dahil ito ay nasa main road, nakikita ito at naaamoy ng mga nagbabyahe mula sa iba-ibang lugar ng Rizal at Maynila.

May mga kababayan na nagsulat na po hinggil rito (e.g., “Bakit umaalingasaw na ang Morong?). Bagamat marahil ay may hindi sang-ayon sa lahat ng nakasulat, ang mas mahalaga ay tinawag ang ating pansin at kailangan tayong magtulungan upang tugunan ang problemang inilahad.

Naniniwala po kami na ang problema sa basura ay katagni ng problema sa kalusugan ng mga mamamayan ng Morong. Natatakot po kami na ang patuloy na pagpapanatili ng basurahang iyan ay magdudulot ng pagkalat ng sakit tulad ng dengue at sakit sa baga (tulad ng hika), at ang pagkalason ng lupa at mga halaman sa katabing lugar. Sana po ay huwag ninyo itong hayaang mangyari.

Nakarating rin po sa aming kaalaman na may itinatayong landfill sa Bombongan. Hangarin po namin na anumang programa sa basura ay magsasaalang-alang sa damdamin ng mga mamamayan at sa mga epektibong hakbang na magproprotekta sa ating kapaligiran at kalusugan.

Dalawang bagay po ang nais naming imungkahi: una ang paglilipat ng basurahan sa lugar na hindi malalagay sa panganib ang kalusugan at kalidad ng buhay ng ating mga kababayan (ang bago po bang landfill sa Bombongan ay tumutugon sa mga pamantayang ito?); pangalawa ang paglulunsad ng seryosong recycling program na magtuturo at magbibigay ng insentibo sa ating mahal na mga kababayan ng mga pamamaraan para limitahan ang basurang itinatapon kung hindi man tuluyan itong alisin (i.e., zero-waste management). Sana po ay rumating ang panahon na ang mga taga-Morong ay makilala na mula sa isang lugar kung saan recycling is a way of life.

Maraming salamat po kung may mga aksyon nang naisagawa bilang tugon sa tatlong obserbasyon na nasa itaas. Muli naniniwala po kami sa inyong talino at kakayahan na gampanan ang inyong sinumpaang tungkulin at tugunan ang panawagan ng ating mga kababayan. Hindi malayo na kung mabilis na maaaksyunan ang bagay na ito ay mas lalo pang lalakas ang tiwala sa inyo ng mga mamamayan ng Morong.

Sumasainyo,

MGA NAGMAMALASAKIT NA MAMAMAYAN

*Mangyaring pirmahan sa ibaba at ipasa sa mga kaibigan, kamag-anak at kababayan sa Morong at iba pang panig ng mundo.


1. Radyo San Guilmo

2.

12 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ANO KAYANG MAGAWA NG PANAWAGAN NA IYAN AY DI NAMAN NAKIKINIG ANG MGA NAIBOTO NINYO? MISS RIN NAMIN ANG REPORT NI SUPLADANG MORONGUENA. PAKISINGHUTIN MO NGA KUNG TALAGANG HUMAHALIMUYAK ANG AMOY. SIGE AT AYON AKO SA PANAWAGAN. IPODCAST NINYO PO.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

may KITA rin ang mga namumuno riyan.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

kung mararaan po kayo ngayon sa taghangin, makikita po ninyo ang full rehabilitation na ginagawa sa ating basurahan.Ang basurahan po natin ay ililipat na sa boundary ng morong/teresa (likor ng sementeryo ng teresa).Ako rin ay biktima ng mabahong usok na iyan. pero nagpapasalamat ako sa mayor natin kasi sa lahat ng naging mayor ng morong, siya lang ang gumawa ng aksyon para malipat ang ating basurahan.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

ay salamat naman. maling tambakan ng basura iyung sa taghangin, malapit talaga sa creek at ang bagsak ay sa lake.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Laking pasasalamat ko sa iyo sa magandang balitang ito. Hayan at may nangyari na pala. Buti namab at nadadalaw kang lagi rito sa rsg.com.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Sa boundary ng Morong at Teresa ililipat ang basurahan? Sa San Gilmo na naman pala malalagay ang basurahan.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

60's pa nariyan na basurahan sa San Guillermo. Wala na yatang alam pagtapunan ng basura kundi sa San Guilmo.
Mag kanya kanya na lamang tayo ng basura. Riyan tayo matututo ng kalinisan pag tayo mismo ang napupurwisyo.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Pwede bang malaman kung saan mismo sa pagitan ng Teresa at Morong ang magigiging basurahan?
Paano ba ito na approved?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

RSG, anu ba ang klase ng basurang itatapon sa San Guillermo? Kawawa mga taga Prinza kasi ang usok niyan ay direkta sa kanila. Iyan ba ay sisigaan rin? Meron na namang sapa riyan sa pagitan ng Morong at Teresa. Kaya kailangang malaman mismo kung anung klaseng basura. Saan bang lugar mismo iyan?

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Meron na pong sagot sa tanong sa mga basura. Ito ay base sa interview rin niya sa ating Mayor. Maganda ang email na ito. Mag hintay at hihingi lang tayo ng pasintabi sa sumulat kung pwedeng i post rito sa RSG.

Salamat Po!
NC. Tarlac City- Nov.11

SGAdmin ayon kay ...

To: ' Class77_TCMS@ yahoogroups. com '
Subject: Bukas na Panawagan sa mga Opisyal ng Bayan ng Morong


Tungkol sa basura: pasensya na muna kayo at wala kasi akong ibang mapagtapunan pa, kasama ang basura namin sa aming bahay sa tinutukoy riyan sa ating habang-buhay nang tambakan sa Taghangin. Ordinarily ay isang sako ang basura namin sa isang lingo. Ang mga plastic bottles, lata, dyaryo atbp mabibili ay iniipon ni Nanay para may pang-Jollibee silang mag-lola. Ang natatapon namin sa Taghangin ay plastic bags & wrappers (oops), balat ng saging, papaya, sibuyas at iba pang food wastes, rahon ng chico atbp. Sa amin sa Tupas St. ay tuwing Lunes kinukulekta ang inipon naming basura. Sa kanto ay araw-araw rumaraan ang truck ng basura. Malakas nga ang amoy lalo pag may ulan kaya ako ay sa Binangonan muna rumaraan o kaya ay pigil hininga pag raan. Tama nga namang ang basurang itinapon ko ay basura ring babalik sa akin.
Matapos ang aming ‘first stage recycling’ sa bahay, ay may ‘second stage recyclers’ naman yung mga namumulot sa karsada, madalas ay naikakalat nila basura kaya binabantayan namin. Sa truck ng basura ay may ‘third stage recycling’. Ang mga naiwan naming recycle-able materials ay naiso-sort ng mga basurero para naman sa kanilang sariling pagkakakitaan. Ang ‘fourth or last stage recycling’ ay nagaganap sa Taghangin dumpsite mismo kung saan mayroon tayong mga kababayan ng namumulot ng natitirang recycle-able materials. Tunay ngang may pira sa basura. Nakaaawang mayroon tayong kababayan na sa basurahan ang trabaho pero iyan ang kanilang ikinabubuhay.
Balita ko ay may alerto na rin ang Pulisya laban sa mga magtatangka uling magtapon sa Taghangin na hindi naman tiga-Morong.
Tungkol sa new dumpsite: two years ago pa man ay mayroon nang proposed new dumpsite, Brgy Maybangcal pero sa Teresa ang access. Ito ay expected to be opened sa March 2008. Private developer ito at private land rin. Kasama sa contract ang basura ng Teresa, Baras at Cardona. Magkakaroon ng municipal employee onsite kasi ay may municipal income tayo sa bawat truck na magtatapon. Sorry na rin nga lamang sa mga maaapektuhan sa new location. Kahit siguro saan ilagay ay babaho pa rin iyang basura namin.
Iyong sa Bombongan: ito ay proposed MPF – Material Processing Facility o sorting/recycling/ segregation station. Hindi ako masyadong sure kung anong ibig sabihin nito pero baka self-explanatory. Mayroong sariling MPF ang Cardona, Baras at Teresa.
Tungkol sa present dumpsite, pansinin na may karatulang nakalagay ruon na Rehabilitation Project. May periodic overlaying ng lupa ang dumpsite. Balita’y libre at sponsored ng new dumpsite contractor ang rehabilitation na ito. May foreign consultant rin na nagdesign ng rehab – libre rin. By the time na mag-open ng new dumpsite ay isasara na ang luma, tataniman rin na mga halaman. Pero, am sure na hindi ‘yan magic na biglang babango.
Ang basura ng Jolibee ay may kumukuha ring hindi municipal truck, recyling siguro.
Sa mga bihira nang umuwi rito sa atin, kaming mga naiiwan rito sa Morong ay patuloy pa ring nagbabantay at nakikipagtulungan sa mga leaders ng bayan, madalas ay in our own “silent way”. Minsan ay huli nga (pasensya ulit) pero rest assured na hindi kami nakatunganga rito.
Sa mga mamamalingke naman, sana ay magdala ng basket para mabawasan ang basurang plastic bags.
Maraming salamat po.
Chito SM
97 Tupas St .
Isa pang issue: kalat ng Save More construction sa karsada.
Tatlong beses na nga yatang binitbit ng mga gulong ng dumptrucks ng contractor ang putik mula sa loob ng construction site tuwing maulan. Paki pansin po, tuwing after heavy rains lamang yata ito. Huli nga rin at mabagal ang reaction nila (at ng munisipyo?) pero nag-assign sila ng tao para linisin ang putik sa karsada. For each period, siguro’y 3 days to about 1 week na grabe ang alikabok sa kanto, pero hindi po araw-araw sa duration ng construction. Inaabangan na kung ang opening na Save More ay magpapababa ng presyo ng bilihin dahil sa competition para sa kapakinabangan ng mamamayan, pero hwag naman sanang maging monopoly. Pati epekto sa traffic, inaabangan rin.
PS.
Sa mga nais makipag-ugnayan sa ating munisipyo, iminumungkahing makipag-ugnayan anytime sa:
Office of the Mayor
Tupas St , Plaza
Morong, Rizal
Or makipagkwentuhan sa Mayor at iba pang kawani ng munisipyo tuwing Sabado ng umaga pagkatapos ng 6 AM aerobics sa plaza. Sa aking experience ay very approach-able ang ating mayor, kung may tanong o suggestion ako ay riyan ko siya pinupuntahan. Mas madaling magkaintidihan kung maayos muna ang usapan. At kung walang positive result ay saka na lamang ….

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Just an FYI...

Ang number 11 na letter posted ay addressed to: PPTC Class 77. Sulat po iyan sa kanila ni Chito SM. OK lang raw na i post rito.

Salamat Po.
Noel