Sabado, Abril 12, 2008

Free Issue of Dyaryo San Guilmo

Posted recently at San Guillermo mailing list.

Maraming salamat po sa inyong pagtanggap na maging bahagi ng SanGuillermo group ang Dyaryo San Guilmo. Isang mahalagang hakbang po ito upang mas mapalawig pa ng ating pahayagan ang paghahatid ng mga mahahalagang kaganapan sa ating barangay. Bukas po ang aming pintuan sa mga nais na mag-ambag ng mga akda, balita, mga jokes, trivia, puzzles at iba pang mga bagay na sa inaakala ninyo ay makapagpapayaman ng kaisipan ng ating mga kabarangay saan man po kayo naroroon.

Gayundin, sa sinuman po na nagnanais na makatanggap ng libreng kopya tuwing labas nito, mag-email lamang po kayo sa dyaryo.sanguilmo@yahoo.com upang maisama namin kayo sa aming subscription list. MABUHAY PO KAYONG LAHAT! -

Jun Miranda, Editor in Chief.

Upcoming Issue

Ang susunod na issue po natin (Enero-Marso 2008) ay inaasahang lumabas nitong buwang kasalukuyan. Salamat po sa inyong hangad na umunlad ang pahayagan ng ating barangay. Kung nais po ninyo makatanggap ng libreng kopya, paki send lang po ang inyong subscription request sa dyaryo.sanguilmo@yahoo.com .

Advertisement Rates

Maari rin po kayong mag-advertise kung inyong nanaisin upang mailagay halimbawa ang mga special news and events ng inyong pamilya at angkan . $50 lang po and isang page, $25 ang kalahati at $12.50 ang 1/4 page. E-mail us for more details.

Walang komento: