(MORONG, RIZAL August 12, 2008)--
Copper thieves have hit Sitio Agas-as in San Guillermo, Morong Rizal early this morning. Witness reported that the thieves took about 60 meters of Meralco wire between posts near the highway. The bandits carry firearms and at onetime discharged their guns in the area. No word on injury or how much it will cost Meralco to get power lines repaired.
Report ni NutribunXP sa Morong Interactive
Humigit kumulang na 60 metrong wire ng Meralco ay ninakaw (habang nakakabit sa poste) kaninang umaga lamang sa may hi-way sa Agas-as. Sa kabuong araw ay ninakaw ng mga hindi nakilalalng mga lalaki na nakasakay sa kotse at nagpapaputok pa ng baril.Report ni NutribunXP sa Morong Interactive
Kamakailan lamang ay kabuong tanghali ay naholdap naman ay yung delivery van na nagrarasyon sa may malapit sa aming tinrahan.
Reaction ni Matabuak
Me nakawan nga sa San Guilmo kangina sa sitio ng Agas-as sa pag itan ng Bombongan. Araw na araw at me baril at nagpa putok. Salagay 60 metro ang haba ng na nakaw. Ganyan na sa atin sa San Guilmo ngay-on. Nakatatakot kaya akoy hindi nag uuwi sa atin at mahirap na. Di ko na kilala mga tawo sa atin eh.
Ngay-on ko lamang nalaman naman iyang holdapan na iyan. Ang mahirap ngay on sa atin ay kahit magkakahoy lamang ay hinoholdap na - iyan ay alam ko at akoy naruon sa atin nuon. Kahit nag susuga lamang ng kalabaw o baka - yari pa rin.
Nuong araw ay iniisip ko na mag retire sa San Guilmo pag tanra tanra ko, pero ngay-on na nakikita ko ang mga walang hulaw na nakawan at kung anu ano pang mga TBS na iyan ay hindi na.
Iyung rati ko na San Guilmo na iniwan ay hindi na pala iyon. Na pwedeng pwede kang mag lakar sa hating gabi mula estacion at aso lamang ang kinatatakutan mo.
Bakit kaya nagka ganito ang San Guilmo? Anu kaya ang sulusyon?
Pagusapan po sa Morong Interactive
2 komento:
Kailan pa kaya matututo ang mga nasa pamahalaang barangay at bayan? Kung kelan lang may mangyayari at tsaka laang kikilos. Parang pako, kung kelan pukpukin tsaka lamang lulubog.
Maging pro-active hindi passive or reactive. Huwag unahin ang pagpapapaganda ng bayan o barangay. Hindi makukuha sa mga palamuti o gayak ang kapayapaan at kaayusan ng isang komunidad. Unahin ang pang seguridad, para sa mga buhay at ari-arian ng mga mamamayan. Aanhin pa ang ganda kung mas maganda palang lugar na takbuhan ng kriminal ang bayan.
Sige. Dadami na naman ang pikon.
juan katwiran
(yari ka na naman)
Sana y lakihan ang budget sa security ng baryo, sa laki ng lugar ay maraming raraanan o lulusutan ng mga kriminal.
Mag-post ng isang Komento