Peter E & Kon. Dickson
Episode 78
Finally, blogger removed RSG on their sh*t list. Perhaps the chief had something to do with it. :) Anyway, Peter E and Zoilo had a great time yesterday touring local tv studio and recording a couple of shows with our young councilor.
Part 1 of our interview is mostly about the never ending basurahan issue. Feel free to post your comments here or at MIT.
Listen 128 kpps broadband
Listen 56 kbps dial-up
Show Notes
pasasalamat, serious, 50-50, pleasure o business, anu ang una,
mission sa America, gampanan, Office of the ombudsman, UP centenial, official travel,
DILG, project assistant, karangalan sa bayan ng Morong, good governance, isang modelong councilor sa program ng good goverment, ibangon ang dangal ng bawat Pilipino
serious ang mission, kamping Kampi, respeto sa pangulo, panalangin, magkaisa at umunlad ang bansa, napaka lalim, baka hindi maarok, balarila para hukayin ang ginagamit na salita,
basura, basura, at more basura, isara at buksan, nanganganupo sa konsehal, respeto, abah bang baho naman, naisara na, maaaring maging park, maynagtatapon pa ba?, pagkaalam ay totally close na
material recovery facility sa Sitio Butig, 2010- first class municipality?, kaban ng bayan, kumikita ang bayan with less expense, naaarok na, independent bakal bote businesses, shutdown ba once na fully operational na ang recovery center?, ordinance in process, regulations, income, product ng recovery facility ay magagamit sa bayan
Morong Engineer Sanitary Landfill, Sitio Malalim, malayo sa downtown San Guillermo, tourist, baka mawala ng karisma sa mga bibisita, base sa international standard landfill, baka naman umuusok usok, mag si siga, may income na papasok sa bayan, pagna amoy nina Zoilo ay tatawagan nila ang konsehal, transparent, makabubuti, nakatulong sa pagpapaunlad, magkaibang partido so konsehal at mayor, think positive sa lahat ng nangyayari, tingnan muna ang outcome
official Morong newspaper: Ang Morong Ngayon
Music played
Nagbabalik - Dennis Sarte
2 komento:
Palakpakan..
Ang komento ko lang naman sa pamamaraan ng pagbibigay tugon ng ating Konsehal San Juan. Masyadong nakakahilo, pinapaikot ikot lang ang sagot sa mga pamamaraang retoriko na ang dating. Sa totoo laang ay ako ay nahilo. Mas mainam kung derektamenteng sagutin ang mga katanungan. Masyadong mabulaklak na sa bandang huli yun lang naman pala ang sustansya ng sasabihin niya. Humahaba lang ang sagot konti lang naman ang sustansya. Ilang ulit ba na nabanggit ang ang mga katagang "kagalang galang, butihing, sa pamumuno ni...Wala sa haba ng pagsagot ang nagpapatunay ng sensiredad ng kasagutan, bagkos ito'y nagmimistulang puro palamuti na laang. "You sounds like a TRAPO" to me. OO, me karapatan ka na sabihin ang gusto mo sa paraan na gusto mo, pero huwag naman paulit ulit ang papuri mo kay Mayor. Next time nga bibilangin ko ulit..Nahilo kase ako sa haba ng paliwanag.
Nakakatuwa at siya ang naging kinatawan ng Pilipinas sa tema o pakay ng pagpunta riyan ay may kinalaman sa Good Governance. Ang problema, bakit pagkalayo layo pa ng pupuntahan mo e ang San Guilmo ay me kasaysayan ng bad governance at anumalya sa Barangay dahil sa hindi maipaliwanag na pagkaubos ng pera ng Barangay San Gullermo noong nakaraan na pamunuan. Nawa ay hindi ningas kugon o papogi lang ang layon mo sa ibang bansa at pagwawagayway ng bandila ng kaayusan sa ating lugar. Sana ay malaman namin na taga San Guilmo ang ginawa mo na aksyon para tuklasin ang walang perang na "turn-over" sa bagong pamunuan ng barangay. Sana ay maibahagi mo sa amin kung napa usisa mo man lang kung bakit sa halip na pera ang napunta sa bagong barangay opisyal ay utang pa sa gasolinahan, sa Kurmat, at mga sirang sasakyan, at bakit pati pondo ng SK ay nagamit pa sa pagpapatayo ng pagkapangit pangit na rebulto..(nag mistulang "reMulto").
Good governance begins at home. So sana yang mga katanungan na yan ay mailathala nyo sa "pahayagan" ng Morong... and i really doubt na magiging balance ang pahayagan na yan. For sure, puro papuri kanila at achievements lang nila yan. O, lalayo ka pa..Hindi ba abot tanaw lang ang opisina ng Hepe ng Pulis..Dapat mailathala nyo rin yun. Aba'y na feature sa Imbestigador yun, alangan naman na hindi ninyo e feature.
At tungkol sa walang kamatayang basurahan na iyan. Aba eh, sana naitanung ng RSG kung bakit kelangan pa na buksan ang "hi-tech" na landfill sa Metro Manila. Pera pera na lang ba yan? Baka sa halip na 10 years natin magamit iyan e, wala pang limang taon puno na agad sa Metro Manila pa lang. Tayo naman ang magkaka problema sa basurahan nyan. Ay, sus ginoo man gid. Tinuod!
At huling katanungan sana kay Konsehal, totoo ba na squatter na lang ang tanggapan ng Barangay San Guillermo? Aba, e wala pa 50 meters ang bahay ninyo sa barangay baka sabihin mo eh wala ka alam?
PAano magkaka krimen e kontrolado nga ng krimenal na Hepe ng pulis ang sitwasyon. Amg lagay eh..eto na dapat ang motto ng pulis morong..."To serve, to protect, and to charge".
Ganun ang talumpati. Dapat punto por punto.
Hanggang sa muli.
juankatwiran
"ang laging kinakainisan ng mga tinatamaan"
Juan Katwiran, Zoilo ito. Hindi ko ipagtatangol ang Konsehal sa iyung mga komento.
Ang mga sinabi mo tungkol sa rating Kopitan ay nabanggit niya sa amin. Hindi ko na lamang itinanung at baka humaba pa. Kahit silya at baril na ibinigay ng provincia ay hindi rin na turn-over o kung mayruon man ay mababang klase ang iniwan. Computers, sasakyan at kahit kurtina ay wala rin. May utang pa nga raw ang Barangay ngayon sa SK (buti pa nag SK at may pira.) Negative ang account ng baryo.
Bakit nagka ganuon. Well di bat kayo rin ang bumoto sa mga iyan, dalawang beses pa yata. Kung may sisisihin ay di tayu ring mga taga barangay gawa ng tayo ang naglagay sa kanilang puwesto.
Sabi ni Kon na kung anung naririnig ninyo sa rating namumuno riyan ay hindi na kailangang e verify pa at iyun talaga ang ginawa.
Sana ay tulungan at suportahan na lamang natin ang bagung administrasyon at wala talagang pera at gamit na natira.
Juan katwiran, palaging maganda ang iyung mga comments, seriously, ipagpatuloy mo at nagiging lively pati angRSG.
-Z
Mag-post ng isang Komento