ISANG PAGPUPUGAY SA MGA MANLALARONG TAGA-SAN GUILMO
ni: Konsehal Dickson A.San Juan
Isang kasaysayan na di malilimutan ng buong bayan ang katatapos lamang na Mayor's Cup o palarong pambayan 2009 dito sa ating sinisintang bayan ng Morong. Ilang araw din ang lumipas dahil sa maulan at pabago bagong panahon hindi agad natapos ang palaro pero ika-8 ng Hunyo ganap na ika- 6:20 ng gabi ay natapos din naman.
Tinanghal ang mga manlalarong taga SAN GUILMO bilang champion at hindi lang basta basta champion kundi UNDEFEATED CHAMPION ibig sabihin walang nakatalo, na isang malaking karangalan dahil sa aking pagtatanong ay ang huling UNDEFEATED CHAMPION ay noong 1970's pa.
Kaya sa ating mga manlalaro, sa pagsuporta ng ating mga kabarangay, ng sangguniang kabataan, ng sangguniang barangay , ng barkadahan , isang pagpupugay at pagsaludo sa inyong lahat dahil ang tagumpay na ito ay nangangahulugan lamang ng isang nagkakaisang barangay.
Hindi makakalimutan ng mga taga-SAN GUILMO ang mga araw na yaon na habang lumalaro nga mga players nandyan ang buhos ng suporta ng mga kabarangay natin na kahit ulanan na ay nagpapabasa para lang makapanuod at masuportahan kahit sa palakpak ng kamay tuwing makakashoot ang mga players. Biruin mo naman sobrang nakakatuwa kase isang araw ng manuod ako nakita ko yung mga matatatandang taga-San Guilmo, nagtitiis ng init at ulan makapanuod at maksuporta lamang, sobra akong natouch dahil sa kabila ng kanilang kahirapan sa paglalakad magpapahatid sa plaza makapanuod lang.
Kaya sa ating mga players sa pamamagitan ng email na ito nais ko na malaman ng buong taga-San Guilmo dito sa Pilipinas at maging saang panig ng mundo ang kasaysayang ginawa ninyo na mananatiling isang magandang halimbawa sa susunod pang mga henerasyon.
MABUHAY KAYONG LAHAT!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento