Lunes, Agosto 04, 2008

Indie Band of SG: Metal Five (download their music)


Title:
Sana (demo, original composition)
Band: Metal Five
Town: Tabing-Ilog, Pantok, Labac (San Guillermo, Morong, Rizal)
Email/Contact: A. Tunque
Members: Limuel "Ling-ay" Inguito,21 yrs. old --vocals
Jonel Lomotan,19 yrs. old --bass
Jeramil "Ameng" Quitaleg,20yrs. old --guitars
Hernan "Totoy" Agana 21yrs. old --drums

Downloads:
1. Sana.mp3 (demo, original)
2. Itanong Mo sa mga Bata.mp3 (demo, cover, by Asin) (download link Coming
)

About the band
Ang bandang Metal Five ay binubuo ng mga kabataan mula sa Sitios Tabing-ilog, Pantok-Labak, San Guillermo. Ang mga batang ito ay mga nagsasaka sa palayan at kung minsan ay nabibilar ng palay para makaipon ng pera upang makapaghanda sa kanilang mga ensayo at upang makagawa ng demo.. Ang kanilang komposisyon "Sana" ay na i record kamakailan sa Morong, Rizal.

Suportahan po natin ang Indi Bands of San Guillermo na pinamumunuan ni Alex Tunque. Malaki po ang naitutulong ng grupong ito na mailagay ang ating kabataan sa tamang landas. Ang kanila pong mga kagamitan sa paglikha kanta ay hiram lamang. Kung nagustuhan po ninyo ang kanilang orihinal na tugtuging "Sana" ay maaari po kayung mag donate ng kahit ano para maipagpatuloy ng ating mga kabataan ang kanilang mga proyekto.

For more info about Indi Bands of SG ay pakinggan po ninyo ang RSG podcast Episodes 74 Interview with Alex T., 75: Mga Batang Rockers, Indie Bands of SG,


Related Link
Indie SG Blog

Comment po kayo.

2 komento:

Unknown ayon kay ...

Kongratulasyon sa mga kabataang magagaling. kailangan kompleto suporta sa inyo - ng munisipyo kc sabi ng konsihal ay marami raw laman ang kaban ay hindi ginagastos.

Aba, ay humayo kayo sa bayan at humingi ng cultural funding to support your needs. kaya mayroong kultura funds (iyong napanalunan na P1M) ay para tumulong sa pangangailangan ng mga arts/music/drama/concert/sinakulo,atbpa. Iyong lamang maski na pambili ng kwerdas ng gitara, o update ng audio ikwipment, etc.

Sige, pagbalik ni konsihal riyan galing rito ay puntahan ninyo kaagar at baka malimutan ang nai podcast niya rito na may pira ang kaban ng bayan.

Kung baluwaerte ang inaatupag ay kailangan ang suporta sa mga gaya ninyong pinakikinabangan ng kabataan at SG.

Unknown ayon kay ...

Metal Five,
Astig talaga kayo. Maganda ang inyung ginawang SANA. Patuloy kayung mag padala sa RSG ng inyung mga nilikhang
mga tugtog at ng marinig naman namin ang inyung mga itinatagong galing, hane?
Sige,
Matabuak