Sent by Kon. Dickson San Juan to SGES Alumni Mailing List
MENSAHE NG TAOS-PUSONG PASASALAMAT
mula kay Konsehal Dickson A. San Juan- Morong,Rizal
Agosto 27, 2008- Los Angeles, CA
Una po sa lahat ay nais kong pasalamatan ang Panginoong Diyos sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makatungo at makabisita sa bansang amerika sa unang pagkakataon sa buong buhay ko na minsan kong pinangarap na mapuntahan at ito ay nagkaroon ng katuparan dahil sa isang opisyal na misyon na inatang sa akin ng bansang Pilipinas bilang bahagi ng pagdiriwang ng Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas at programa ng Multi-Sectoral Anti-Corruption Council ng Office of the Ombudsman upang isakatuparan ang programang USA 2008 for the Philippine Decade of Good Governance, Good Citizenship.
Pangalawa, sa mga taong naging instrumento upang maging makahulugan at makasaysayan , puno ng hindi makakalimutang mga alaala, mga katuwaan, mga kasiyahan at welcome from my kamag-anak and my kababayan from Southern and Northern California taos puso ko po kayong pinasasalamatan dahil sa inyong pag-iintindi sa akin at pagmamahal na ibinigay .
Hindi ko po kayo makakalimutan at tinatanaw ko po ito bilang isang malaking utang na loob at nawa'y pagpalain po kayo ng Panginoong Diyos at sya na po ang bahalang magbalik bilang kapalit sa inyong kabutihan at pagpapahalaga sa akin.
Ilang araw na lang po ang nalalabi at matatapos na ang aking pagbisita at misyon dito po sa California at muli na po akong babalik upang ipagpatuloy ang aking sinumpaang tungkulin bilang isang lingkod ng bayan sa bansang Pilipinas.
Walang hanggang pasasalamat po sa inyong lahat.
Mabuhay po ang bansang Amerika at Pilipinas !
Mabuhay po kayo aking mga kababayan !
SGD. DICKSON ANDAYA-SAN JUAN
2 komento:
O, hayan at tagalog na tagalog ang binira ni konsihal - baka naman kayong mga nag uurirat ay maka isa sa kanang pinawalang mga salitang tagalog.
No more spokening inglis at nababatuta kayo - heheheheh.
Iyong mga sinabi ninyo sa RSG podcast baka usisain ng meyor kayo ay wala palang lamang lagay, ehe, pira pala ang kaban ng tipan....
Ingat kayo pag uwi at baka maraming demos na may plakard na -"Nasaan ang Kaban na iyan?"
ay kung anuman ang iyong pakay riyan ay sana ay iyong i-apply sa iyong sariling panunungkulan dahil mukhang nawawalan n ng tiwala ang ilan sa ating mga kababayan sa tunay na kakayahan mo at ng iyong mga kasamahan sa munisipyo. ay para naman pag ikaw ay muling tatakbo,,ay mayroon ka namang ipakita sa min na "NAGAWA" mo sa bayan dahil sa totoo lamang ay wla yta nmang accomplishments ang SB at ni wla kaming npapansin na bago at kahit tsismis man laang na kayoy may natapos o nagawa pra sa ating bayan. ay matatapos na lamang ang inyong termino ay wla man laang kayong ingay na magkailanman ay magbabandera sa inyo at maglalagay sa inyo sa kasaysayan ng morong na kayo ay may naiambag pra sa ikauunlar nito. ay nakakasawa na kasi kayo
Mag-post ng isang Komento