(MORONG, RIZAL August 11, 2008)--
A female student from University of Rizal - Morong was taken to emergency hospital last week after suffering from a stab wound. She was treated and declared out of danger from Rizal Provincial Hospital. A suspect was caught and detained.Here's an email from Dr Tony circulated at MorongPaRin mailing list:
Tungkol sa security ngURSs, walang problema sa loob. Pag labas ng estudyante ang delikado. Isang estudyante ng URS from Talim na nag bedspace sa malapit sa URS ang kinursunada at sinaksak malapit sa sapa sa tabi ng URS noong isang linggo. Na revive namin sa emergency room ng Rizal Provincial Hospital. Nahuli na ang suspect.
4 (na) komento:
Mabuhay po kayo mga citizen journalists. Tayung mga taga Morong ang nagunguna sa kung tawagin ngayon ay hyperlocal na pagbabalita.
Tama ka Zoilo. Ang mga pangyayaring ganito ay madalas na hindi na nakarating sa mainstream media. At madalas hindi na rin nakakaabot sa mga kababayan natin sa buong mundo lalo pa sa mga walang internet o pagkukunan ng balita.
Ang mga tulad natin ang tunay na sumasalamin sa tunay na nangyayari sa mga community natin sa loob at labas ng bansa. Hindi rin ito ilalathala sa mga pahayagan na ginagastusan ng estado o ng pamahalaang bayan.
Ipagpatuloy natin ang mga tulad nito. Panig sa katarungan at katotohanan.
Para sa mga nauumay na sa mga negatibong mga artikulo kayo naman ang magsulat ng mga magagandang balita. Para sa akin ang pagbabalita ng tunay na pangyayari ang tunay na magandang balita hindi ang mga balita ng para lang pagandahin ang mabahong imahe ng sistema.
Ipagpatuloy ang nasimulan. Magsilbe sa mga kababayan hindi para sa iilan.
juan katwiran
Dr Tony, Salamat rito sa bagong balita na pinadala po ninyo.
login to... http://www.alma-mater-hymn.blogspot.com/
Mag-post ng isang Komento