Daing ng Bayan
Usapan sa San Guillermo Mailing List
Mr. Konsehal Dickson,
Me hiling lang me tungkol sa mga cable na nawawala sa ating lugar gaya ng telepono alam kong matagal na itong problema at hindi lang sa nawawala kundi sagabal sa mga taga ibang bansa o maski lokal na tawag lalo na kung gustong malaman ang nangyayari o anung mang emergency sa ating lugar pero hindi makatawag at putol ang linya, sa ma tutal ang kagustuhan ko lang mangyari ay paano natin malulutas ito at bakit ito nakakalusot.
Sana ay pagtuunang pansin ng kapitan o sino man nakatalaga sa ating lugar....Salamat sa lahat.....
junjun millare
Maraming salamat katotong Jonathan, yep agree ako sa sinabi mo tungkol sa problemang iyan. Sana magkaroon ng mabilis na solusyon ang usaping ito. Gumagalang at bumabati sa inyong lahat.
Janet GD
SAGOT
ISANG PAGBABALITA AT PAGPAPALIWANAG UKOL SA PAGKASIRA NG KOMUNIKASYON SA CABLE, TELEPONO AT INTERNET DAHIL SA PAGKAWALA NITO
-Nais ko pong ipaalam na talagang malaking problema po ito sa ating lugar at maging sa ibang karatig bayan dahil sa abot po ng aking kaalaman ay ninanakaw ang kable nito na kung saan po ay nawawala ng bigla-bigla na lamang.
- Kailan lang nga po yung telepono natin na DIGITEL sa ating barangay ay nawala ang komunikasyon dahil nanakaw po na naman ang kable maging cable at PLDT , ngunit madalian din naman pong naibabalik upang hindi mabalam ang komunikasyon at gamit nito.
- Kung hindi man sa atin po mawala ay sa kalapit barangay naman o kalapit bayan kaya't apektado din po tayo.
-Sa katunayan ay 24 hours na po nakabantay ang kapulisan, mga barangay at ibang mga bantay sa ating bayan upang mapangalagaan po ito at patuloy po ang ating pamahalaang bayan at mga pamahalaang barangay sa pagmomonitor ng mga pangyayari upang maiwasan na po ito.
- Kailan lang nga po ay nagkanakawan din ng mga cable at phone wire sa ZIGZAG sa antipolo na kung saan po ay naging malaki din po ang epekto sa atin kaya't talagang patuloy ang pagmomonitor po dito.
-Ipagpaumanhin po ninyo at asahan na isasaayos na mabuti ang lahat sa mga sumusunod na araw.
-Kapag may gusto po kayong ipaalam ,malaman o makibalita po eh itawag po ninyo sa akin sa teleponong 0915xxxxxxxxx.
Maraming salamat po
Konsehal Dickson San Juan
MULA SA RADYO SAN GUILMO:
Sinubukan pong tawagan ng RSG ang teleponong ibinigay ng Konsehal, ngunit hindi po maka konecta. Ninakaw rin po pala ang kable ng telepono ng ating mahal na konsehal :)
1 komento:
Konsehal Dickson,
Salamat sa iyung mga pag sagot sa aming mga tanong sa ating bayan. Gusto rin naming makasama at maging ka akibat sa pag bibigay ng sulusyon sa mga problema ng ating bayan. Pero, dahil na rin sa distansya o kalayuaan namin ay sa kagaya ninyung mga opisyales ng bayan ang aming nahihingan ng sagot. Huwag ka sanang mag sasawa na mag bigay ng impormasyon sa ating mga kababayan na malayo sa inyo. Sige Sir at ingat.
maraming salamat.
Bong2
Mag-post ng isang Komento