Biyernes, Hulyo 11, 2008

Mensahe buhat sa Konsehal

From San Guillermo Mailing List

Sa Aking Mag Minamahal sa Ibayong Dagat

Maikling mensahe mula kay KONSEHAL DICKSON ANDAYA-SAN JUAN

July 9, 2008
Tunay na hindi matatawaran ang inyong pagsusumikap para sa ating mahal na bansa, bayan at komunidad. Maitututring ko kayong mga bayani na sa kabila na malayo sa bansang sinilangan ay patuloy sa pakikibaka, pagsusumikap at hindi sumusuko sa hamon ng panahon upang matamo ang minimithing tagumpay. I SALUTE YOU MY DEAR MEN AND WOMEN.

Hindi matatawaran talaga ang magandang pagsasamahan na parang magkakapatid kahit dito sa pinas at maging sa ibang bansa. Yan ang Pinoy , lalo na ang taga-MORONG, RIZAL. Naalala ko tuloy ang sabi ng aking kaibigan, " ALAM MO DICKSON YANG MGA TAGA-MORONG bukod sa mabait na at malambing pa iba sila talaga pagdating sa PAKISAMA , HAHANGAAN MO TALAGA." Hindi ko makalimutan ang katagang yun dahil proud ako bilang isang Pilipino at Tubong Morongueno. Kaya kahit saan man dito sa pinas kilala agad ang mga taga-Morong. Sa lamyos at lambing magsalita talaga makikilala mo agad sila.

Salamat sa patuloy ninyong pagsusumikap para sa ating bayan upang makatulong sa pag-unlad nito. Dalangin ko ang isang matatag, maayos, ligtas at mabiyayang pamumuhay para sa inyong lahat.

2 komento:

maniniste ayon kay ...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
maniniste ayon kay ...

ay napakagandang mensahe buhat sa isang konsehal natin sa morong.

kung pwede lamang sana na i-convert sa pagkilos at paggawa ang mga sinabi mo e d sana ay merong kaunting pagbabagong matitikman ang mga kababayan mo.

mantakin mo..walo ba kayong konsehal sa morong? kasama pa ang ilang opisyales? kung lahat kayo ay kikilos ay baka makamtan natin ang sinasabi mong TAGUMPAY.

"what you DO is more important than what you SAY" or ...

"ACTION SPEAK LOUDER THAN WORDS"

puro mensahe na lamang ba??????????